CHAPTER SIX

7.3K 140 11
                                    

Sunshine's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunshine's Point Of View

"BABE may gagawin ka ba ngayon?"

Katatapos ko lang maligo nang may natanggap akong text galing kay Patrick.

"Wala naman. Bakit?"

Habang hinihintay ko ang reply niya ay nagbihis na ako ng damit. Parang trip ko ngayong mag-mall. Isama ko kaya si Princess?

"Wala lang. Ipakikilala lang sana kita sa mga kaibigan ko. Ano, free ka ba? I'll fetch you later."

Hala! 'Di ako prepared! 'Di ako nakontento sa text niya kaya naman tinawagan ko siya.

"Uy, 'di ako prepared!" bungad ko.

"Kaya nga kita sinabihan ngayon, 'di ba? Haha.

Pupuntahan kita diyan mamaya."

"Err. Baka hindi nila ako gusto?" Baka kasi mamaya, lalaitin lang nila ako, eh.

"Hindi talaga. Kasi, ako lang dapat."

Medyo loading ako doon sa sinabi niya, pero nang ma-realize na ang sinabi niya, feeling ko ay namumula na ang mukha ko. Gosh!

"Okay, sige na. Pero puwede ko bang isama si Princess?" Natahimik siya saglit sa tanong ko. Okay naman na sila, 'di ba?

"Okay."

Good.

"Sige na, ibababa ko na 'to." Papatayin ko na dapat 'yung tawag nang bigla niya akong pigilan. "Bakit?" tanong ko pa.

"I love you" Eeh! Kenekeleg nemen eke!

"I-I love you too. Sige na, kita na lang tayo mamaya." Nakangiti pa ako niyan, ha? Haha. Pagkatapos kong patayin ang tawag ay napatili na lang ako pero pigil lang, baka kasi marinig nina Mama. Hahaha. Bakit gano'n? Maraming beses na niya akong sinabihan ng 'I love you' pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako? Siguro, gano'n lang talaga 'pag in love.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili sa harap ng salamin ay tinawagan ko na rin si Princess.

"Hello?" bungad niya.

"Princess, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman. Bakit?"

"Eh kasi, si Patrick, ipakikilala raw niya ako ngayon sa mga kaibigan niya. I'm sure naman na puro lalaki lang ang nandoon. Gusto ko sanang magpasama sa 'yo para naman hindi ako ma-out of place doon mamaya. Puwede ka ba?"

"O-Okay."

Ngumiti na lang ako kahit 'di niya nakikita. Nagpasalamat lang ako sa kanya bago ko siya binabaan ng tawag. Napaisip naman ako. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaibigan ni Patrick sa akin? Okay lang kaya silang kausap? Baka kasi 'yung iba, snob o 'di kaya ay suplado. Tsk. Ewan, pero parang kinakabahan ako. Pero kaunti lang. Haha.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon