Sunshine's Point Of View
"SINABI ko naman sa 'yo, 'di ba? Habang maaga pa ay hiwalayan mo na siya. Kasi pinagmumukha mo lang siyang tanga, eh," sabi ko sa ka-chat ko.
Nasa bahay lang ako ngayon, nag-i-internet. Ka- chat ko ngayon ang long-time friend ko sa facebook. Yes, sa facebook lang talaga. 'Di ko pa siya na-mi-meet sa personal pero sa tingin ko, mabait naman siya. Ang gaan niya rin kasing kausap. Ang tagal na rin nang huli kaming mag-usap. Alam ko 'yung tungkol sa love life niya, siyempre.
"Alam kong kasalanan ko, pero anong magagawa ko? It was a dare game!"
"Yeah, I know." Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, kung sa kanya ba o doon sa niloko niya.
"Puwede ba tayong magkita?"
Napatigil ako sa tanong niya. Hindi naman ako busy. Saka, bored din naman ako sa bahay so... gora na lang!
"Uy, ano na?"
"Okay."
Pagkatapos niyang sabihin ang address na pagtatagpuan namin ay kaagad akong naligo at nagbihis. Woah! First time kong makita ang mukha niya sa personal.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Nasaan kaya sila dito?" tanong ko sa sarili habang tumitingin sa paligid. Sa labas lang kasi ng mall ang usapan naming dalawa. Sabi ni Princess, isasama raw niya 'yung boyfriend niya ngayon. Eh, ang dami kayang tao! Hindi ko sila mahanap. Wala pa naman akong load kaya 'di ko rin sila ma-text. Oo, may number kami sa isa't isa. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, galing pala kay Princess 'yung text.
"Hindi kita ma-recognize. Haha! Pero nandito na ako sa meeting place. Ang dami kasing tao. Taas mo nga kamay mo," utos niya. Ano kaya raw 'yon? Pero 'di na ako nagtanong pa at itinaas ko na lang ang kamay ko. Para naman akong timang nito.
"Sunny!"
Napalingon ako sa tumawag. I know it was her. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin nang gano'n. Pagkatapos ay may lumapit na sa aking babae. Maganda siya.
"Princess?" tanong ko sa kanya. "Yup!"
Nakangiting sabi niya. 'yung ngiti niya, nakakahawa kaya napangiti na rin ako. Hindi ko malaman kung mag-be-beso ba ako sa kanya o yayakapin eh, kaya nagtawanan na lang kami pareho.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceFrom "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?