CHAPTER SEVENTEEN

4K 81 16
                                    

Sunshine's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunshine's Point Of View

TULALA pa rin akong nakatingin sa singsing na iyon. How come na magkapareho talaga sila ng singsing na nakita ko doon sa ibaba ng kama ni Patrick? It must be coincidence. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Para sa 'kin talaga 'yung singsing na nakita ko noon.

"Oww. Look at your ugly face. Kawawa ka naman," sabi niya at tiningnan ang singsing na parang manghang-mangha ito. "This initials means Patrick and Sheena. Kaya 'wag kang mag-ambisyon na mahal ka nga talaga ni Patrick kasi hindi naman! Sawa na siya sa 'yo. Sawang-sawa na kaya naghanap siya ng iba which is better than you, bitch!"

Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mawari kung bakit may gano'n din siyang singsing. Nagkataon lang naman, 'di ba? O baka naman, ninakaw niya kay Patrick 'yung isa? Hindi kasi ako naniniwalang lolokohin ako ni Patrick. Yeah, I doubt him once, pero narealize ko na mahal niya talaga ako noong gabing nagpaulan siya sa labas at hinintay ako magdamag makausap lang ako.

Ayokong maniwala sa kanya. She's just being desperate. And a desperate person will do everything makuha lang ang gusto nila. Tama! 'Yon nga siya. Desperadong maangkin si Patrick kaya niya ginagawa ito. Pero bago pa man ako makapag-react ay narinig ko na ang halakhak niya palayo sa amin.

"What was that ring all about?" takang tanong sa akin ni Princess nang tuluyan nang nakalayo sa amin 'yung babaeng 'yon. Para akong nanghihina. Feeling ko, anytime ay babagsak ang mga tuhod ko sa semento.

"'Yon 'yung singsing na nakita ko sa kwarto ni Patrick. Akala ko, para sa 'kin 'yon. Akala ko, may balak na siyang mag-propose sa 'kin. Akala ko talaga..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako. "Pero bakit gano'n? Bakit magkapareho sila ng singsing na nakita ko sa kwarto niya? Nagkataon lang ba na pareho lang sila ng initials na nakalagay? Or in the first place, nag-assume lang talaga ako? Na baka hindi naman pala talaga para sa 'kin ang singsing na 'yon?"

Ang sakit. Pinagdududahan ko na naman ba si Patrick ngayon? Gusto kong isipin na nagsisinungaling lang si Sheena, pero paano maipapaliwanag 'yung singsing?

"Pupuntahan ko si Patrick," tanging nasambit ko sa kanya. Maglalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Sunny, 'wag kang padalos-dalos ng desisyon. Alam kong may nabubuong galit d'yan sa puso mo, pero 'wag mo muna siyang kausapin. Baka hindi lang kayo magkaintindihan," sabi niya. Kita ko naman 'yung pag- aalala sa mukha niya.

"Pero kailangan kong malaman ang totoo!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napataas na ang boses ko. Ngayon ko lang napansin, sa amin na pala nakatingin ang ibang taong napapadaan.

"Na ano? Don't tell me, naniniwala ka sa babaeng 'yon?"

"Princess, ayokong maniwala. Ayokong paniwalaan 'yung kasinungalingang 'yon. Pero gusto kong makita 'yung singsing kay Patrick. Gusto kong malaman ang totoo. Kung gusto mong sumama, sumama ka. Pero kung ayaw mo, mauna na 'ko."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon