CHAPTER TWELVE

4.5K 93 14
                                    

Sunshine's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunshine's Point Of View

"BABE, 'asan ka ngayon?" text ko kay Patrick. Ilang araw na rin siyang di nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala na ako. Ano na kayang nangyayari dun? Nilagay ko muna sa side table ang phone ko pero wala pang limang segundo ay di pa rin iyon tumutunog. Shet. Bakit ang tagal niya magreply?

'Di ko na siya nakakausap this past few weeks. Kapag nagtetext ako sa kanya, 'di naman siya nagrereply. Kapag tatawagan naman, walang sumasagot. Pumunta ako sa bahay nila, wala rin daw siya doon. The last time na pumunta ako sa tambayan, wala ring mga tao doon. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta. Nakakatampo na, ha! Dapat na ba akong kabahan? Kasi sa totoo lang, parang papunta na do'n 'yung nararamdaman ko.

Again, nakatutok pa rin ako sa phone ko at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text message galing sa kanya. This is weird. Nagmadali akong nagbihis at kinuha ang sling bag ko saka ako lumabas ng bahay. Tama, pupuntahan ko siya sa tambayan, baka nando'n na siya.

"Kainis ka, Patrick! May iba ka pa bang pinagkakaabalahan maliban sa 'kin?" nayayamot kong tanong sa sarili saka nagmamaktol na naglakad.

▫▫▫🎈▫▫▫

Wow.

Manghang sabi ko. At sa sobrang mangha ko, ang sarap manapak ng mga taong traydor! Putcha! Kararating ko lang sa tambayan and to my surprise, nakita ko lang naman si Patrick... may kausap na babae. Magkatabi silang nakaupo sa sofa at ang saya-saya nilang nag-uusap dalawa. Ang sakit lang!

Alam kong wala silang ginagawang masama. Pero kasi, nakakainis lang talaga, eh. Ilang linggo siyang 'di nagpaparamdam sa akin. Sobrang nag-aalala na nga ako para sa kanya, tapos makikita ko lang siya ngayon na tumatawa at may kasamang ibang babae? Take note, sila lang dalawa ang tao, ha? Grabe lang talaga.

Gusto kong umeksena sa kanila. Gusto kong iparating 'yung mensahe kay Patrick na may girlfriend siyang pinag-alala niya. Kaso, nakakahiya naman 'yon, 'di ba? Nakakahiya kung puputulin ko 'yung masayang usapan nila. Mga peste!

Tiim-bagang akong tumalikod sa kanila at nagmamadaling lumabas. Walang anu-ano'y tumulo na ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Peste talaga.

Ang tagal niyang hindi nagparamdam tapos ganoon pala ang ginagawa niya? May balak ba siyang umamin sa akin?

"Ouch!"

Natigil ako sa iniisip nang may nabangga akong tao. Dali-dali kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko bago harapin ang kung sino mang nakabanggaan ko.

Pero natahimik din ako nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Kita ko naman 'yung lungkot sa mga mata niya pero pinilit niya pa ring ngumiti.

"It's you again!" masayang sabi niya. "Bry—"

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon