Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sunshine's Point Of View
"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.
Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan.
"Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako.
"Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbong ko habang natatawa.
"Takutin mo siya hanggang sa maisipan niyang umalis ng bansa at 'di na bumalik kahit kailan!" How I wish na gawin nga 'yon ni Bryan para sa 'kin. Haha! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko sa kanya. Para akong ewan.
"Pero 'di nga, seryoso na. Pumunta lang talaga ako dito para ibigay sa 'yo itong regalo ko. Sana, masarapan ka sa cake. Mahal 'yan, ha! At saka, na-miss lang talaga kita. Magparamdam ka naman sa 'kin. Ang daya mo!" Sumimangot ako. "On a second thought, 'wag na lang pala. Takot ako sa multo! Hahaha!" Tawa lang ako nang tawa ng bigla na lang humangin nang malakas.
"Kabadtrip ka, Bryan! Wala namang ganyanan."
Kwento lang ako nang kwento sa kanya tungkol sa nangyayari sa akin at sa relasyon namin ni Patrick. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Mas masaya kasi sana kung nakakasagot siya sa 'kin, eh. Kaso, walang response si Mr. Lapida kaya parang shunga ako na salita nang salita pero wala namang kausap.
"Ako pala ang unang bumisita sa 'yo, 'no?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Sige, Bryan. Mauna na 'ko. Baka kasi hanapin ako ni Patrick, hindi pa naman ako nagpaalam kung saan man ako pupunta," paalam ko sa kanya. Bago pa man ako tuluyang tumayo at umalis ay hinaplos ko muna muli ang lapida niya.
Nasa may daan na ako no'n nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkatingin ko, si Patrick pala ang tumatawag. Mabilis ko namang sinagot 'yon.
"Hello?"
"Nasaan ka?" tanong kaagad niya nang makasagot ako.
"May pinuntahan lang isang kaibigan."
"Hmm. Baka ipinagpalit mo na ako, ha?"
pagbibiro niya.
"Lol! Hindi, ah! Lunod na 'ko sa 'yo, eh," hirit ko.
"Naks!" Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Napangiti na rin ako dahil doon. "Pauwi ka na ba? Sunduin na kita."