CHAPTER ELEVEN

4.6K 92 4
                                        

Sunshine's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunshine's Point Of View

"Sunny! Sunny, wake up!"

Mula sa pagiging blurred ay unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko at kita ko na ngayon ang mukha ng bestfriend kong alalang-alala na nakatingin sa akin. What happened?

"Oh my God! Pinakaba mo naman ako do'n, eh!" sabi pa niya. Napaupo naman ako at inilibot ang paningin habang nakahawak ang mga kamay sa ulo na siyang sumasakit na naman. Nasa tambayan ba kami ngayon?

"What happened?" kaagad kong tanong.

"Nag-collapse ka kanina," mabilis niyang sagot. "Ano, may masakit pa ba sa 'yo? May sakit ka ba? Bakit di mo sinasabi sa akin?" sunod-sunod niyang tanong. Kita kong nag-aalala talaga siya.

"Huh? W-Wala akong sakit, noh! Masyado lang siguro akong napagod kaya nahimatay." sagot ko naman saka ngumiti. "H'wag ka ngang OA d'yan!" tinawanan ko pa siya na siya namang nakapagpakunot ng kanyang noo saka ako hinampas sa braso nang hindi naman kalakasan.

"Nagawa mo pa talagang tumawa nang ganyan, samantalang alalang-alala naman ako." singhal niya. "Buti na lang at nadala ka kaagad dito kung hindi, ewan ko lang."

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Teka, bakit nga ba dito ako dinala, bakit di na lang sa hospital? At saka... Ang lakas pala ni Princess, ah?

"Salamat nga pala. Alam ko namang mabigat ako kaya pagpasensiyahan mo na," sabi ko na medyo natatawa. Ugh! Makapagpabawas nga ng timbang minsan. Lately parang tumataba na ako, eh. Haha.

Pero yung ngiti ko ay biglang nawala nang makita ko yung nakakunot niyang noo.

"Pinagsasabi mo?"

"Yung tungkol sa bigat ko. Di ka ba nabigatan sa akin?" takang tanong ko naman. Tapos ay parang may na-realize siya.

"Uh-ha! Akala mo siguro ako ang nagbuhat sa 'yo papunta dito, noh?" tumpak! "Hindi, ah! It was Arkin. Sabi nga niya sa hospital na lang daw idiretso pero sabi ko dito na lang sa tambayan since malapit lang naman."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman si Arkin? Parang wala yata akong kilalang gano'n.

"Who's Arkin? Parang wala ka namang nababanggit na ganoong pangalan sa akin," sabi ko.

"Remember the guy na napagkamalan mong 'ex' mo? Nalaman kong Arkin ang pangalan niya. Sa sobrang taranta ko kanina di ko malaman ang gagawin. Buti na lang at nakita ko siyang bumalik at may pinulot na something. Siguro wallet niya yun, nahulog nung nagkabanggaan kayo kanina. Kaya ayun, no choice na ako kaya siya na ang tinawag ko. Buti na lang at mabait siya. Nagpakilala muna siya bago umalis. Bait niya, noh?" mahaba niyang eksplenasyon saka ngumiti. Natahimik naman ako.

So, totoo ngang hindi siya si Bryan? Totoong napagkamalan ko lang siya? Nagkamali pala ako. He's not Bryan-my ex, he's Arkin. Pero bakit gano'n? Bakit magkapareho silang dalawa? Mula sa tindig, boses, pananalita, mukha at pati na rin sa galaw. Bryan na Bryan talaga. Pero how come na magkaibang tao pala sila? Magkaiba ba talaga or... Maybe, twin brother siya ni Bryan? Pero hindi, eh. Ang tagal na naming magkakilala ni Bryan pero ni minsan, wala siyang nababanggit sa akin na kakambal niya. Ang alam ko lang ay nag-iisang anak lang siya.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon