Sunshine's Point Of View
"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"
"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"
"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"
Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa akin. Is he already falling for me? Hindi ko rin masasagot ang tanong niya. Parang ang bilis lang kasi ng pangyayari. Dapat nga, ako ang magtanong niyan sa kanya, eh. Am I falling for him that fast? Hindi ko talaga alam. Parang nakakatanga lang isipin na strangers pa lang kami pero ganito na ang nararamdaman namin sa isa't isa. Who on earth can tell me what's happening to me? Simula kasi noong mangyari sa amin iyon, siya na palagi ang laman ng utak ko. At ngayon namang nagkita na kami, hindi ko maipaliwanag 'yung sayang nararamdaman ko.
"Hindi ko alam."
'Yon na lang ang isinagot ko sa kanya. Napaupo kami doon sa inupuan ko kanina.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" bigla niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya nang seryoso. Wala akong nararamdamang gano'n sa kanya.
"Bakit? Dapat ba kitang katakutan?" tanong ko sa kanya pabalik. Umiling naman siya.
"Ang weird lang, 'no? Hindi pa tayo magkakilala pero ganito na ang nangyayari," natatawang sabi niya. Napangiti rin ako. Bakit nga ba? Bakit gano'n na lang kabilis ang mga pangyayari? Hindi ko siya kilala pero parang mahal ko na yata siya. Ewan.
"Hi! I'm Patrick Raveno." Inilahad pa niya ang kamay niya sa akin habang nakangiti. So, Patrick pala ang pangalan niya? Bagay sa kanya. Kinuha ko naman iyon at nakipag-kamay.
"Sunshine Bernardo," pagpapakilala ko. "It's finally nice to know your name."
"Yeah."
▫▫▫🎈▫▫▫
Patrick's Point Of View
Sunshine. Such a beautiful name. Bagay na bagay sa maganda niyang mukha.
Akala ko, hindi na ulit kami magkikita. I missed her... so much! Hindi ko alam kung mahal ko na nga ba talaga siya. Basta ang alam ko lang ay masaya akong nandito siya sa tabi ko at gusto ko siyang makasama araw- araw.
"Dude, what's with that face? Para ka namang timang!" bulyaw sa akin ni Miko. Napatikom naman ang bibig ko nang mapansin ang presensya nila. Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Dito lang naman kami palaging nagkikita, eh.
Kagabi, pagkatapos naming mag-usap ni Sunshine ay inihatid ko siya sa kanila. Pumayag naman siya, eh. Nanghingi na rin ako ng number niya para kahit papaano ay makausap ko pa rin siya araw-araw. At ito nga, ka-text ko siya ngayon. Nakakahiya mang isipin, pero kinikilig ako sa tuwing nag-re-reply na siya. Yuck ka, Patrick!
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomansaFrom "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?