Sunshine's Point Of View
"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"
Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!
"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya.
"Haha. Sorry naman. Eh kasi..."
"Ano ba 'yon?"
"Nasabi ko na kay Sweety!"
"'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?
"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya."
"Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?
"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?
"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tatay na siya," kwento niya. Napangiti naman ako. Buti pa siya, nasabi na niya. 'Di naman siguro niya sinabi ang sa 'kin, 'no? Ako kaya, kailan ko balak sabihin ang totoo kay Patrick na may nabuo na rin 'yung pagmamahalan namin?
"Good for you."
"Eh ikaw, kailan mo balak sabihin sa kanya?"
tukoy niya kay Patrick.
"Hindi ko pa alam, eh. Siguro, one of these days? Ewan. 'Di ko kasi alam kung paano ko ba masasabi 'yon sa kanya nang maayos. Ayoko siyang biglain," hindi ko siguradong sagot sa kanya. Siguro nga, dapat ko na ring sabihin sa kanya ang totoo.
"Tara, shopping tayo?" aya niya bigla. "Ano namang gagawin natin do'n?"
"Duh! Eh 'di mag-sha-shopping!" Sabi ko nga. Tss. Nag-okay na lang ako sa kanya saka pa ibinaba ang tawag.
Given na 'yung matutuwa, pero maliban pa doon, ano kaya ang magiging reaksyon ni Patrick kapag nalaman na niyang magiging ama na pala siya? Geez. Kinakabahan na ako. Ha-ha!
▫▫▫🎈▫▫▫
"Ay! Ito, maganda! Cute," eksaheradang saad ni Princess sabay taas no'ng kulay pink na pambatang damit na may mukha ni Cinderella sa gitna. Pagkarating na pagkarating namin ng mall ay dito na kami agad pumunta sa bilihan ng mga damit na pambata.
"Ano ka ba naman, Princess! Hindi ka pa nga halatang buntis, ito na kaagad ang gusto mong bilhin," sabi ko sa kanya. Pili lang kasi siya nang pili. Gusto talaga yatang bumili, eh. "At saka, makapili ka naman ng may mukha ni Cinderella sa gitna, sure ka bang babae 'yang anak mo, ha?" Napapansin ko kasing puro pang-disney princess ang mga damit na itinataas niya. Adik ba siya do'n, o talagang nag-a-assume na siyang babae ang magiging anak niya?
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomantizmFrom "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?