Sunshine's Point Of View
"PRINCESS, samahan mo naman ako." aya ko sa kanya. Nandito pa rin kami ngayon sa tambayan. Mag-fo-food trip daw mamaya tapos movie marathon. Psh. Daming alam.
"Huh? Ok. Pero saan naman?"
Napatingin ako sa direksiyon ng mga boys na ngayon ay nag-vi-video games na.
"Ah, mall? Shopping? You know, it's kinda boring here, tingnan mo naman sila lang yung nag-eenjoy sa paglalaro. At saka parang may bibilhin kasi ako, eh."
"Ano naman 'yun?"
Daming tanong. Pwede namang ok na lang, eh. Haha. "Hindi ko alam, eh. Alam mo 'yun? Yung parang may naiisip ka nang bilhin pero dahil di mo rin mabigkas, nakakalimutan mo na rin kung ano 'yun." napaatras naman ang ulo niya sabay taas ng isang kilay. Magulo ba explanation ko? Napakamot na lang ako. Nasa utak ko na, eh, di ko mabigkas kaya di ko malaman kung ano talaga. Ewan! Pero may bibilhin talaga ako, promise!
"Praning ka. Gutom lang 'yan," napa-pout na lang ako. Pero nang ma-realize ko ang sinabi niya ay kaagad rin akong nagsalita.
"Alam ko na!" mali, napasigaw pala ako.
"Ay, bungi!"
"HAHAHA! A-Anong bungi ka d'yan? HAHAHA!" pinagtatawanan ko na siya. Kasi naman, eh. Napahawak siya sa dibdib niya siguro dahil yun sa gulat niya habang ako naman ay nakahawak sa tiyan, sa kakatawa sa kanya. Pero nang makita kong nag-iba ang expression ng mukha niya ay tumigil na rin ako.
"Peace," nag v-sign pa ako.
"Tsk. Bakit ka ba kasi nanggugulat?"
"Hehe sorry naman. Naalala ko na kasi kung ano yung bibilhin ko, eh." sabi ko.
"Oh? Talaga? Ano naman 'yun?"
"Diba may mga nagtitinda sa park malapit dito?" kita kong parang naguguluhan siya sa tanong ko kaya nagpatuloy na lang ako. "Bibili sana ako ng mangga, baka meron." mas lalo lang kumunot yung noo niya sa sinabi ko. Problema nito?
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Tell me, naglilihi ka ba? Are you pregnant?"
"WHAT!?" kahit wala akong kinakain ay para akong nabulunan sa tinanong niya. Ayan tuloy, napasigaw pa ako nang malakas.
"Girls? Ok lang ba kayo d'yan?" napatingin kami pareho sa tumawag. Nginitian lang namin sa Darwin saka siya bumalik sa puwesto ng barkada niya.
"Defensive? Napaghahalataan, ah?" sabi pa niya.
"Sira ka talaga! Nagpapasama lang bumili ng mangga, buntis na kaagad?" napasapo pa ako sa braso niya.
"You mean to say, hindi ka buntis?" napahagalpak ako sa tanong niya, pati na rin sa ekspresyon na pinapakita niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceFrom "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?