Panimula

317 15 0
                                    

"You should be a MONSTER. You know because everyone says, 'Well, you should be harmless. You don't want to be too aggressive. You don't want to be too assertive. You want to take a back seat and all of that.' It's like NO. WRONG. YOU SHOULD BE A MONSTER. AN ABSOLUTE MONSTER. And then you should LEARN HOW TO CONTROL IT." -Jordan Peterson

PANIMULA

(SOMEONE'S POINT OF VIEW)

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang antok habang nasa biyahe.

Kahit isang oras lang, gusto kong makabawi ng tulog. Kailangan ko ng pahinga, or kahit pang-habambuhay na pahinga na. Wala namang iiyak sa burol ko kapag nagkataon.

Gusto kong magkaroon ng payapang---

"Ay tulog? Sayang naman! Babatiin ko sana siya!"

"Shh! Alam mo na ngang tulog, anlakas pa ng boses mo."

"Gomen. Gomen." (Sorry. Sorry)

Hindi ko pinansin ang ingay na naririnig ko. Umayos ako ng upo at ipinagpatuloy ang tulog.

"Ang yaman talaga ni Senpai (senior)! Dinala niya talaga dito sa unibersidad ang Bugatti Veyron. Pwede ko kayang sakyan ito kapag nagising siya?" Napamulat ako nang marinig ito at tinitigan ng masama ang may-ari ng bungangang kanina pa maingay.

Imbes na matakot ay tinitigan niya din ako ng may ngiti. Walang epekto. Alam niya na ang ugali ko. Hindi na siya natatablan ng mga nagbabantang mata ko.

Lumabas ako ng sasakyan at nilingon ang assistant ko. Kumpara sa mabungangang kaharap ko, kabaligtaran naman niya ang assistant ko na may pagka-mahiyain. Ilang taon na kaming magkasama pero hindi parin niya natatagalan ang pakikipagtitigan sa akin.

"Kimberly, nasaan ang pangatlong Baron? Bakit siya ang nandito?" turo ko sa bungangerang kaharap ko."

"Ah--"

"Ang sama mo talaga sa akin! Ako na nga itong kaisa-isang sumalubong sayo e!" parang bata pa siyang nagdadabog.

Tinapunan ko siya ng nandidiring tingin dahil sa inasta niya. Kung di lang siya ang pangalawa sa mga Baron ko, iisipin ko talagang baliw siya.

"Kimberly, naghihintay parin ako sa sagot mo." Nilingon ko ang paligid at nagsimula ng maglakad.

"Kailangan ko ng umalis senpai(senior), may aasikasuhin pa ako. Hihi," paalam naman ng bungangerang Baron ko. Anlaki pa ng ngiti niya habang naglakad paalis. May kalokohan na namang gagawin yon.

Itinuon ko na ulit ang tingin ko sa dinadaanan namin. Linggo ngayon. May mga estudyante kaming nakakasalubong ngunit kokonti lang at halos lahat ay... ansama ng tingin sakin. Nagbubulungan pa na parang bubuyog. Alam ko ng ako ang pinag-uusapan nila.

Hays. Normal na araw dito sa Assasino University, hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang matatalim na tinginan nila na kulang na lang ay saksakin ako at ipako sa kahoy.

Hmm. Pero parang may nagbago. Sanay nako sa paraan ng pagtingin nila sakin pero nakapagtataka ang mga ikinikilos nila. Matinding takot. Nakakatakot naman talaga ako ngunit hindi ko ramdam na ako ang pinanggagalingan ng takot nila.

"Tungkol pala sa pangatlong Baron, wala siya ngayon. May lakad daw," napatingin ako kay Kimberly.

"At yung dalawa pa?" tanong ko.

"Hindi sila nagpaalam, nasa Arcade na naman siguro," sagot naman niya. TSK.

"Ganyan ba nila salubungin ang sarili nilang--" huminto ako dahil sa taong nakasalubong namin. May apat na metro ang agwat namin dahil hindi ko naman gugustuhin na lapitan siya.

Assasino Playground (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon