KABANATA 19
(Flashback)
Magkakasamang pumasok ang apat na magkakaibigan sa loob ng Assasino University. Lakas-loob nilang pinasukan ang eskwelahang ito kahit na alam nilang delikado ang mga estudyante nandito.
"Balang-araw, tayong apat ang maghahari sa eskwelahang ito," sabi ng lalaking pinakamatanda sa kanilang apat.
Pambihira ang galing nila pagdating sa pakikipaglaban. May tinatawag na lugar sa eskwelahang ito kung saan malayang naglalaban ang mga estudyante hangga't gusto nila. Dito nila pinapatunayan na mas malakas sila at mas nakatataas sa lahat.
Maihahalintulad ito sa isang boxing ring na ginagamit ng mga normal na tao. Tinatawag nila itong Assasino Playground. Nagkalat na mga armas ang nasa loob nito. Dinala at naiwan ng mga estudyanteng nakipaglaban.
Araw-araw na nakikipaglaban ang magkakaibigang ito. Walang araw na natalo sila. Ginawa nilang hobby ang pakikipaglaban. Naging sisiw lang sa kanila ito. Malalakas na sipa at suntok ang inabot ng mga nakalaban nila. Nagmistulang 'playground' para sa kanila ang lugar na ito. Malayang ginagawa ang gusto nila. Natutuwang pinapanood ang kalaban nilang matumba at mawalan ng malay.
Bawat isa sa kanila ay pinatunayan ang sarili. Unti-unti silang nakabuo ng pangalan para sa grupo nila. Kinatatakutan na sila ng maraming estudyante at dumating ang araw na wala ng estudyante ang humamon sa kanila.
Ang nag-iisang babae sa grupo nila ang nakaisip ng isang ideya na magpapabago sa buhay nilang apat habambuhay.
"Ano kaya kung gumawa tayo ng kanya-kanya nating organisasyon? Tutal takot naman na sila sa atin. Wala ng naghahamon ng laban kaya nababagot na tuloy ako." -babae
"Kaya ba natin yon?"-lalaki 1
"Oo naman. Sigurado akong sasali sila." -babae
"Payag ako. Payag ba kayo?"-lalaki 1
"Sige na nga." -lalaki 3
"Oh sige ako ang una, tatawagin kong Red Org ang sakin..." -babae
"Ang pangit ng pangalan. Mas maganda itong naisip kong pangalan... Prime Org. Oh diba?" -lalaki 1
"Ikaw anong naisip mong pangalan??" -babae
"A-ako? Black Org na lang siguro??" -lalaki 3
"Ano ba yan?! Ang hihilig niyo sa kulay!" -lalaki 1
"Oh ikaw na lang ang wala pang nasasabing pangalan." -babae
"Ayoko, kayo na lang. Sasali na lang ako sa isa sa mga org niyo. Nakakatamad maging lider." -lalaki 2
"Ang KJ mo!" -babae
"HAHAHA!" -lahat
"Ano namang itatawag sa sarili natin bilang lider ng isang Org?" -lalaki 1
"Alam ko na. Tatawagin natin ang ating mga sarili bilang EXECUTIVE!" -babae
Hindi nagtagal ay natanggap ang hiling nila sa eskwelahan na magtayo ng kanya-kanyang organisasyon. Sobrang tuwa nila nang malaman ito. Ginamit nila ang mga gusaling hindi na nagagamit. Kahit na magkakalayo ang mga distansya ng gusali nila ay tinitiyak parin nilang nagkikita silang apat.
(End of Flashback)
(ZETA'S POINT OF VIEW)
Nagising ako nang makarinig ng mga yapak ng paa na pababa sa hagdanan.
Nakabukas na ang ilaw at nakita ko ang tatlong tao na palakad-lakad. Nakatingin ang mga ito sa bagay na nasa mesa. Dumating naman ang taong may pakana ng lahat ng kaguluhan na nangyayari dito sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystery / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...