Kabanata 08

61 7 0
                                    

KABANATA 08

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Tatlong araw ang nakakalipas mula nang maganap ang welcoming party. Hindi ko na nabalitaan ang nangyari sa babaeng nanggulo sa gabing yun. Patay na kaya siya?

Isa din sa pinag-aalala ko ay kung anong ipinasok niya sa bibig niya at bumula ito. Lason? Posible ngang maging lason ito. Pero sa tingin ko, sinadya niyang lantakin ito. May nabanggit siyang 'natapos na ang misyon niya.' Kung ganon, parte lang ng plano nila ito.

Black Org

Death Whistle

Alam kong konektado sila sa isa't-isa. Tama nga ang sinabi ni Casano. Nagsilbing warning ang paggamit nila ng Death Whistle. Ang tanong ay kung anong motibo nila na gusto nilang patayin ang lahat? Naghihiganti ba sila?  Ano bang nangyari noon na hindi ko alam???

Nag-deklara sila na papatayin nila ang lahat. Kung ganon, lalabagin nila ang kaisa-isang rule ng eskwelahang ito.

At isa pa... Ang mas nagpapakaba sa akin ay kung sino-sino ang mga tao sa likod ng Black Org. Nandito ba sila? Nakiki-halubilo ba sila sa amin o nagtatago muna? Nakarating ako sa isang konklusyon... Maaaring nagtatago sila sa likod ng isa sa mga organisasyon ng eskwelahang ito. 

Hindi ako dapat nagmumukmok dito sa tabi lang. Kailangang may gawin ako. Kailangan ko ding mag-imbestiga. Hindi ko hahayaan na may mamatay...

Sabado ngayon at walang gaanong naglalakad na estudyante. Nasa dorm ang iba. Mas pinili nilang mag-stay sa loob ng kani-kanilang kwarto kaysa lumabas.

Papunta ako sa canteen para bumili ng makakain. Gutom na ako kanina pa. Nilalabanan ko lang din ang takot ko ngayon para sa kumakalam kong sikmura.

"Zeta! Hi! Kamusta na?" malayo palang rinig na rinig na ang boses ni Magi. Hindi ko na ito nilingon dahil markado na sakin ang boses niya.

Sakto na katatapos ko lang bumili ng kakainin ko. Nag-take out na ako para kumain na lang sa dorm.

Nilapitan niya ako at dumukot ng fries mula sa supot na hawak ko. Hinayaan ko lang siyang kumuha, baka kasi hindi pa siya kumakain e.

Napansin ko naman ang kakaibang ngiti niya. Alam kong pala-ngiti siya pero kakaiba ngayon. Hindi naman mukhang gagawa siya ng kalokohan.

"Wow. Mukhang iba ang ngiti mo ngayon. May maganda bang nangyari?" tanong ko. Labas ngipin pa siyang ngumiti sakin na parang bata.

"Syempre babalik na bukas ang executive namin..." Ow. Kaya pala masaya siya. Siguro close talaga sila ng executive. Nakaramdam ako ng kaunting excitement. Sana may pagkakataong akong makilala ang executive nila.

"Syangapala, tungkol sa application form mo, bukas na bukas din titignan na ito ng executive. Ikaw lang kasi ang matapang na sumali sa organisasyon namin ngayong taon." Kahapon lang ako nagpasa at kay Kimberly ko mismo ito ipinasa gaya ng sinabi niya noon. Siya ang nakilala kong assistant ng executive ng Red Org.

Hindi ko inaasahan na bukas ko na din malalaman kung matatanggap ba ako o hindi. Kailangan kong ihanda ang sarili ko kung sakali mang hindi ako tanggapin ng executive.

"Ganun ba. Sa tingin mo ba matatanggap kaya ako?"

"Hmm. Hindi ko din alam ang tipo ng executive namin pero naniniwala akong matatanggap ka! Maniwala ka din sa sarili mo na matatanggap ka." Hinawakan niya ang balikat ko para palakasin ang loob ko.

Hays. Nasisiguro kong maliit lang ang chance na matatanggap ako. Baka kailangan ko na ding gumawa ng application form ulit. Saan kaya ako pwede kung sakali man? Seeker? Prime Org?

Assasino Playground (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon