KABANATA 01
(ZETA'S POINT OF VIEW)
Maduming damit, duguang tiyan, sugatan na kamay at paa. Iyan ang nakikita ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Panay ang iwas ko sa kanila habang diretsong naglalakad.
Ang iba ay hirap ng maglakad tapos meron ding nakahiga na sa lupa at nahihirapang huminga.
Sa kakalingon ko ay hindi ko napansin ang paglapit sa akin ng isang sugatang estudyante. Lalaki ito, at mukhang malayo ang tinakbo niya. May humahabol siguro sa kanya.
"Tulong! Papatayin niya ako. Tulungan mo ako!" humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Buti na lang nakasuot ako ng jacket. Ayokong madumihan ang t-shirt ko dahil unang araw ko pa naman ngayon dito sa eskwelahan na ito.
Pinilit ko itong itulak pero masyadong matigas ang katawan niya.
Mukhang malubha ang sugat niya kaya inakala kong mahina na ang katawan nito. Nagulat ako dahil wala man lang epekto ang pagtulak ko sa kanya.
Masyado siyang malakas para sa isang sugatan na tao. Hindi naman kasi mukhang peke ang dugo sa braso niya.
"Papatayin ako ng organisasyon nila!" bakas ang takot sa boses nito.
"Anong organisasyon?" curious na tanong ko.
"R-red... Red organization!" bigla itong sumigaw at ang sunod na nangyari ay nahimatay na ang lalaki.
Napaluhod naman ako at hinawakan ang leeg nito para siguraduhing buhay pa.
"Dont worry, he's alive."
Tumingala ako at nakita ang isang lalaki na naglalakad papunta sa pwesto namin.
Teka, parang may mali.
Hindi ko naramdaman ang presensya niya. Hindi ko din narinig ang tunog ng mga yapak niya. Kung hindi siya nagsalita ay hindi ko siya mapapansin.
Tumayo ako at pinagpag ang dumi sa tuhod. Hinarap ko ang lalaking ito. Pinagmasdan ko ang itsura nito. Normal lang ang pananamit. Kagaya ko din siya na estudyante pero sa tingin palang ay mas matanda siya sakin.
Hindi siya mukhang mabait, hindi rin siya mukhang delikado.
Napansin ko ang pagiging kalmado niya. Nasa likod ang dalawa niyang kamay at parang walang pakialam sa paligid. Hindi rin halata sa kanya ang takot at pangamba.
Hindi ko maintindihan ang awra ng lalaking ito. Siya yung tipong mahirap basahin ang iniisip. Hindi ko alam ang mga susunod niyang gagawin.
"Kailangan siyang madala sa ospital. Fortunately, malapit lang ito dahil may sariling ospital ang school na ito." Isa lang napagtanto ko ngayon, hindi siya katulad ng mga estudyanteng nakasalubong ko.
"Mabuti den sa kanya," yun lang ang naisagot ko. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Akala ko mamamatay na ang lalaki at ang ibang mga estudyante ng basta-basta.
"I didn't expect a rookie like you to be concerned about other people," nakangisi ito sa akin. Kinakausap niya ako na parang matagal na kaming magkakilala.
"Ayoko lang na nakakakita ng patay na tao sa harapan ko," sagot ko naman.
"Okay."
"So shall we begin the orientation?" Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Buong akala ko ay titipunin kaming mga bagong estudyante para sa orientation. Parang mas nakakapagod naman kung isa-isa kaming i-orient.
"I'll be your guide for this orientation. Feel free to ask if you have queries." Lumapit siya sakin at itinaas ang kanang kamay.
"I'm Casano, and based on what I've read in your information, you're Anndrew Zeita."
"Z-Zeta na lang." Nahiya pa akong makipag-kamay sa kanya dahil ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Baka isipin niyang natatakot ako sa kanya.
"Are you scared?" Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sakin habang tinatanong ito. Sa pagkakataong 'yon ay natitigan ko ang kabuuan ng mukha niya.
Sugoi (Amazing). Alien ba siya? Ang perfect ng features ng mukha niya at parang di makatotohanan ang kulay ng mga mata niya.
"Anong kulay ng mga mata mo?" Sa sobrang mangha, di ko na napigilang magtanong.
"It's a vibrant blue color." Para akong bata na manghang-mangha sa nakikita. Walang katulad ang mga mata niya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang hinala ko na iba siya sa mga estudyante dito, kakaiba siya. Ibang enerhiya ang nilalabas niya.
Pero teka, kapag dinukot ko kaya ang mga mata niya at ibenta, malaki kaya ang presyo niyan??
"Ow! Its time!" Pareho kaming napatingin sa tunog ng relo niya. Alarm. Mukhang may schedule siyang sinusunod.
"First of all, make sure to digest all of the information that I will give to you." Nagsimula na kaming maglakad para libutin ang unibersidad na papasukan ko.
Huminto kami sa tapat ng isang gusali na hindi kalakihan pero hindi rin naman kaliitan ang laki nito. May nakatatak dito na Main Building. Nakapagtataka dahil hindi ito mukhang main building.
Hinayaan niya muna akong pagmasdan ang kabuuan ng gusali bago magsalita. Mukha na talaga siyang tour guide sa postura niya. Tinignan ko lang siya para ipahiwatig na tapos ko ng tignan ang gusali.
"Welcome to ASSASINO UNIVERSITY. It was founded by Crus Alphano." Naghintay pa ako ng sunod niyang sasabihin tungkol sa founder ng unibersidad pero wala na siyang detalyeng binigay pa.
"Nandito ang lahat ng mga staff ng school. Dito nagpapasa ng mga requirements for enrollment and registration. Maliit talaga yan dahil nabibilang lang ang mga staff na meron ang school."
May itatanong pa sana ako pero nagsimula na siyang maglakad. Wala na akong nagawa kundi sundan siya.
Huminto kami ulit sa tapat ng isang malaking gusali. Mataas ito at hindi ko na mabilang kung ilang palapag ito.
"This is where classes are held. If you're a freshman, nasa pinakataas ang room mo. Kapag senior naman ay nasa baba. For your information, classes here are like online classes. Each room ay may malaking monitor, nag-papop up ang teacher dito at nagtuturo. As a student, it's your responsibility na makinig sa mga lectures ng teacher kahit wala ang presence niya sa room. Attendance is strictly checked every day."
"Pero bakit naman? Wala bang mga guro dito sa loob ng campus?" hindi ko na napigilang magtanong. Naguguluhan ako. Anong klaseng paaralan ito kung wala man lang guro na nagtuturo face-to-face?
"You know the answer. The moment you enter this school, alam mo na ang dahilan kung bakit wala ni isang teacher ang nandito."
Natahimik ako nang maalala ang mga nasaksihan ko kanina. Para akong nabagsakan ng malaking bato sa ulo.
It was obvious, isnt it? Napaka-insensitive ko naman para hindi mahalata. Nang mga pagkakataong yun, naglalakad lang ako na katulad ng isang normal na estudyante pero ang totoo, hindi na normal ang nangyayari sa paligid.
Ano bang iniisip ko nang mga oras na yun???
Walang mga guro... Ibig-sabihin, malaya ang lahat ng estudyante sa gusto nilang gawin. Malayang makipag-away at pwede ring malayang magpatayan.
"Alright. It seems that you have realized the situation already. Moving on to the next building--"
"Teka, bakit duguan ang mga estudyanteng nakasalubong ko kanina?" Mukhang inaasahan na niya ang tanong ko dahil nanatili siyang kalmado.
Sa ngayon, gusto kong malaman kung tama ba ang iniisip ko sa eskwelahang ito.
"That will be answered when we arrived at our next destination." Nagsimula na naman siyang maglakad kaya sumunod na ako.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Gizem / GerilimThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...