KABANATA O7
(ZETA'S POINT OF VIEW)
Napatigil ako at tinignan si Andrés kung nagbibiro lang siya. Hindi. Walang bahid ng kasinungalingan. Nagsasabi nga siya ng totoo.
Ganun ba ako ka-inosente para hindi mahalata ito? O sadyang magaling lang si Casano na magtago ng kanyang tunay na kulay.
"Pasensya na, Andrés. Iiwanan na muna kita, kailangan kong makausap si Casano. Salamat ulit sa dress na binigay mo." Kahit nahihiya parin ako kay Andrés ay nagpakapal na muna ako ng mukha para sabihin ito.
"My pleasure..." nag-bow ito na parang isang prinsepe. Napangiti naman ako dahil sa naging sagot niyang ito. Nagmadali na akong iwanan siya sa gitna at nagtungo sa taong naglihim sakin.
Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ganto ang nararamdaman kong presensya kapag dumarating siya. Hindi siya ordinaryong estudyante. Iniisip ko noon na hindi ko maintindihan ang awrang inilalabas niya. Hindi ko matukoy kung kaibigan ba siya o kaaway.
Kakaiba siya. Kaya niyang balutin ang totoo niyang pagkatao. Alam niya kung kailan niya ito ilalabas at itatago. Malaya siyang magliwaliw tuwing gabi dahil alam niyang walang mangangahas na sugurin siya.
Ibang klaseng halimaw ang nasa loob niya. Hindi madaling basahin ang iniisip niya.
Diretso ang tingin ko sa kung saan nakatayo ang lalaking ito. Napatingin din siya sa akin nang mapansin na papunta ako sa kinaroroonan nila. Kausap niya parin ang kambal at nandun din si Magi na umiinom ata ng alak.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang lapitan ko siya at sinamaan ng tingin. Tinignan ko siya mata sa mata.
"Hindi mo sinabing executive ka pala." Naiinis ako pero pinipigilan kong sigawan siya. Nanatili siyang kalmado at tila nag-iisip.
"You're mad." Hindi siya galit at parang sinusubukan niya akong intindihin.
"Yah. Ikaw ba talaga ang executive ng Prime Org? Bakit hindi mo sinabi sakin? Pinaglalaruan mo lang ba ako?" sunod-sunod na tanong ko. Wala ng makakapigil sa bunganga ko, gusto kong marinig mismo sa kanya ang sagot.
"Let's dance. I'll answer your questions." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at tuluyang hinila papunta sa gitna. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa kamay ko. Ginagawa niya ata ito para pakalmahin ako.
Nang makarating na kami sa gitna ay siya mismo ang nagpatong ng mga kamay ko sa balikat niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko.
Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang ito kaya natahimik ako saglit. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Baka nga namumula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. Imagine, tatlong lalaki ang humawak sa bewang ko ngayong gabi!
Napansin ko ang tila pagbabago sa expression ng mukha niya. Seryoso pero nangingibabaw ang lungkot sa mga mata niya. Nasilayan ko na naman ang kagandahan ng mga mata niya na kulay asul.
"To tell you honestly, I don't want to be an executive. I don't think it's an honorable title. It's just a curse for me." Napaka-sincere niya. Hindi ko naman aakalain na ganyan ang magiging sagot niya.
Nang makita ko siya sa unang araw ko dito, akala ko isa siyang cold person. Yung tipong walang pakialam sa paligid. Kumbaga sarili niya lang ang priority niya. Ngayon na narinig ko na kung anong totoong nararamdaman niya, ang lungkot pala niya. May pinagdadaanan siya pero tinatago niya lang ito. Ibang-iba siya sa Casano na nakakausap ko.
Sumasayaw parin kami pero parang wala na akong naririnig na tugtog. May nakikita akong sumasayaw parin na mga estudyante pero ang tahimik ng paligid ngayon para sakin.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystery / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...