KABANATA 24
Pagka-akyat sa taas ay nadatnan nila Zeta at Apolo ang mga miyembro ng Hunter Org. Hindi nakasama ang mga estudyanteng ito sa mga nalason kaya naisip nina Zeta na kasama ito ng Black Org.
"Sinong nagpatakas sa inyo?!" nagtatakang tanong ng isa sa kanila.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" nakangising sagot ni Apolo.
Mga nasa limampu siguro ang dami nila. Gaya nga ng nasabi ni Casano noon, ang Hunter Org ang may pinaka-maraming miyembro. Ang karamihan sa mga ito ay sumapi sa Black Org samantalang kasama sa mga nalason ang hindi sumali.
Kinakabahan si Zeta at nagdadalawang-isip kung kakayanin ba nilang talunin ang mga ito. Nanghihina parin ang katawan niya dahil hindi sila pinakain ng ilang araw. May lakas pa namang tumayo ngunit hindi siya sigurado sa pakikipaglaban.
Marahil ay hindi pa niya napapanood ang video footage noong naglaban sila ni Leona. Hindi niya alam na may halimaw sa loob niya at nagigising lang ito tuwing nakakaamoy ng banta sa buhay niya.
Hindi parin siya mapakali, nararamdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Gusto niyang tumalikod na lang at tumakbo palayo ngunit may alaalang nagpagising sa kanyang damdamin...
"Zeta! Kumalma ka. Alam ko na hindi mo maiintindihan ang mga susunod kong sasabihin pero balang-araw maaalala mo ito..."
"May halimaw na nagtatago sa loob mo. Ito ang sumaksak sa kaklase mong si Kat-kat. Alam ko na hindi ka maniniwala ngunit gusto kong sabihin sayo na hindi nito nabawasan ang pagtingin ko sayo...
Ikaw parin ang Zeta na nakilala ko. Kung ano man ang meron sa loob mo na masama, huwag mong hahayaan na pagharian ka nito. Huwag kang makikinig sa sasabihin ng ibang tao. Hindi ka nila kilala...
Ngayon, ang gusto kong gawin mo ay ang matutunan na kontrolin ang halimaw na meron sa katawan o sa utak mo. Kapag nakontrol mo ito, magiging isa kang dambuhalang halimaw na hindi kayang kontrolin ng ibang tao...
Gamitin mo ito sa mabuti. Gamitin mo ito para iligtas ang ibang tao. Ikaw ang magdidikta ng sarili mong patutunguhan. Huwag mong kalimutan na mahalin ang iyong sarili at magtiwala sa sariling kakayahan..."
(ZETA'S POINT OF VIEW)
Para akong sinampal ng mga salitang ito. Unti-unting gumalaw ang sarili kong mga kamay at paa, tila naghahanda sa sinuman na susugod. Huminga ako ng malalim. Lakas-loob na hinarap ang napakaraming kalaban namin.
Nabawasan na ang pag-aalala sa aking dibdib. Napatingin ako kay Apolo at saglit na natawa sa aking isip. Oo nga pala, may pambihirang halimaw akong katabi ngayon. Bakit pa ba ako nag-aalala?
Nagbago na ang awra ni Apolo. Ipinakita na niya ang tunay na halimaw na meron siya. Kung noon, takot na takot ako tuwing mararamdaman ang itim na awrang bumabalot sa kanya, ngayon ay hindi na.
Sa katunayan, pareho lang kami. May kanya-kanyang natatagong halimaw.
"Be careful. Kapag may nakita akong kahit na maliit na sugat sa babaeng ito, hindi na kayo makakalabas ng buhay sa eskwelahang ito," pagbabanta ni Apolo na tinuro pa ako.
Hindi ko na ito pinansin. Sisiguraduhin kong hindi ako magkakasugat dahil lalaban talaga ako. Hindi nila ako pwedeng maliitin.
Nagsimula ng tumakbo ang mga nasa harap para sugurin kami. Todo iwas ako sa mga suntok na paparating sakin. Iniilagan ko ito saka sinisipa sila ng malakas.
Ginagamit ko lang ang mga kamay para sa depensa habang ang mga paa ko ang nasanay sa pag-atake. Buti na lang flexible ako. Nakasuot ako ng pants kaya malaya akong nakakagalaw.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Misterio / SuspensoThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...