KABANATA 25
(OCEANĺA'S POINT OF VIEW)
Pagkatapak sa sahig ng abandonadong gusali na ito ay nakaramdam na ako ng kakaiba. May nagmamasid sa akin. Hindi lang iisa ang nandito.
Umakyat parin ako sa pinakataas na bahagi ng gusali, ang rooftop. Limang palapag ang gusaling ito kaya delikado kapag nahulog ako. Pagkarating sa rooftop ay nakita kaagad ng mga mata ko ang aking assistant. Nakaupo siya sa sahig. Wala akong nakitang ibang tao maliban sa kanya.
"Kimberly..." mahinang sambit ko. Umiiyak siya. Nakatali ang mga kamay, paa at ang bibig. Humihingi ng saklolo.
Lalapitan ko na sana siya nang may sumulpot na isa pang babae. Hindi ko ito nilingon at hinayaan na lampasan ako. Naglakad ito palapit kay Kimberly. May hawak na kutsilyo at itinutok sa leeg ni Kimberly. Napatigil naman ako at tinitigan ang babaeng dumating.
"Huwag kang mag-alala, Kimberly. Ililigtas kita," mahinahong sabi ko. Tumango lang siya habang patuloy na umiiyak.
"Ililigtas? Sarili mo ngang kaibigan hindi mo nailigtas, siya pa kaya na assistant mo lang..." Nagsalita ang babaeng ito. Hindi ko siya kilala. Hindi pamilyar ang mukha niya. Miyembro kaya siya ng Black Org?
"Sino ka ba?" tanong ko naman.
"Hindi ikaw ang inaasahan kong tao!" dagdag ko. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi talaga siya ang hinahanap kong tao.
Ikinagulat ito ng babae ngunit ngumisi lamang ito sa akin. Napagtanto niyang nabuking na siya.
"HAHAHA!!!" Ang nababaliw na pagtawang iyan. Sa wakas, nagpakita na siya. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hula ko na alalay lang ang dumating kanina. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na nakakatakot siya.
Ang TOTOONG LIDER ng Black Org ay walang iba kundi ang babaeng umiiyak kanina at nakatali ang mga kamay at paa. Nakatayo na siya dahil tinulungan siya ng babae na alisin ang mga tali nito.
Pinunasan niya ang mga luha sa mukha saka tinignan ako. An evil smile. Her real face.
"Ang aking pinakamamahal na assistant!" Nginisian ko siya. Itinaas ang aking mga kamay na para bang winewelcome siya.
"Ang aking executive..." Pabiro siyang nag-bow sa akin.
Ang totoo, hindi na ako gaanong nagulat. Hindi naman kasi ako bobo para hindi siya paghinalaan. Matagal ko na siyang pinapabantay sa unang Baron ko at hindi nga ako nagkamali. Siya ang dagang nakapasok dito.
Aaminin kong nakaramdam ako ng sikip sa dibdib nang ipinakita na niya ang kanyang totoong kulay. Malayong-malayo. May parte sa akin na ayokong tanggapin dahil na rin siguro sa tatlong taon na pinagsamahan namin.
"Kailan mo pa nalaman?" tanong nito. Ibang-iba siya sa mahiyain na nakilala ko. Kinakausap niya ako ngayon na para bang ang taas ng tingin sa sarili.
"CCTV footage. Ikaw ang taong naglagay ng lason sa office ko. Pero napatunayan ko na talagang ikaw ang matagal ko ng hinahanap nang makausap natin si Amanda noon. Sinadya kong banggitin ang tungkol sa namatay na estudyante noon na si Kiro." Paunti-unti akong naglalakad palapit sa kanila habang sinasabi ito.
"Ikaw ang pinapatamaan ko nang mga oras na iyon. Habang nagsasalita ay pinapanood kita sa gilid ng mga mata ko. Nagulat ka nang marinig ang tungkol dito. Bakit nga ba?" Kunwari naman akong napaisip. Tumigil na ako nang mga tatlong metro na lang ang agwat namin sa isa't-isa.
"E bakit hindi mo pa ako hinuli nang mapagtanto mong ako pala ang lider ng Black Org?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi naman ako nagmamadali. Hinintay kong ikaw mismo ang gumawa ng paraan para ilantad ang tunay na pagkatao mo sa akin. Ang boring naman kung susugod ako agad."
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystery / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...