Kabanata 13

45 6 0
                                    

KABANATA 13

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nanatili kaming nakatayo, nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ang mga estudyanteng nagkalat ang mga katawan sa sahig. Para bang napako na ako sa kinatatayuan. Gustong-gusto ko na ring makaalis pero kumokontra ang mga paa ko.

Imbes na kasiyahan ang nangingibabaw ngayon ay tila nabalot ng kadiliman ang loob ng bar. Pinapanood na lang namin ang pagkilos ng mga staff na nagsisimula ng mataranta sa dami ng mga nakahandusay. Nakasuot sila ng gloves para sa proteksyon at dahan-dahang hinahawakan ang mga katawan.

Nakabalik muli ako sa wisyo nang marinig ang pagdaing ni Magi. Nilingon ko siya at nakitang kinakapkapan na pala ang buong katawan niya ng isang babaeng staff.

"Pinagsususpetyahan niyo ba kami?! Hindi ito tama! Malinis kami bago pumasok dito tapos ngayon kakapkapan niyo ulit kami!" reklamo niya sabay sinamaan ng tingin ang babaeng staff.

"Kapag hindi namin nahanap ang may sala, kami ang pagbibintangan ng eskwelahan. Sa tinagal-tagal na namin dito ay ngayon lang nagkaroon ng aksidente. At hindi kami papayag na hindi magbabayad ang may gawa nito," seryosong sabi naman ng staff.

Nagsidatingan na rin ang ibang mga staff at isa-isang nilapitan ang mga natitirang nakatayo. Isang babae ang lumapit sakin at sinimulang kapkapan ako. Itinaas ko naman ang aking dalawang kamay.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ng tunog ng maliit na supot sa bandang kaliwang bulsa ng pants ko. Agad itong kinuha ng staff at inilabas. Nanlambot ang buong katawan ko pagkakita nito.

Maliit na supot na may laman na pulang powder. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ang bagay na ito. Huwag niyang sabihing lason ito.

Nanlilisik ang mga matang tinignan ako ng staff na may hawak nito. Tinititigan palang niya ako ngunit alam ko ng hinuhusgahan niya na ang pagkatao ko.

Pareho lang kami na nagtataka sa bagay na natuklasan niya dahil ako rin naman ay walang ideya kung paano ito napunta sa bulsa ko. Miski ako ay wala ng naiintindihan sa nangyayari.

Nanlulumo akong napatingin kay Magi na hindi makapaniwala sa nakita niya. Bakas sa mukha niya ang sobrang gulat at labis na pagtataka kung bakit meron ako nito sa bulsa.

Umiling-iling ako habang tinitignan ang staff. Naiinis ako sa sarili ko, para bang kinokontra ako ng sarili kong utak. Walang salita ang gustong kumawala mula sa bibig ko. Gusto kong ipagsigawan na wala akong kinalaman dito, ngunit hindi sumasang-ayon ang katawan ko.

Pakiramdam ko ay napagkaitan ako ng boses para ipaglaban ang sarili.

Nagsisilabasan na ang napaka-daming tanong sa isipan ko at naramdaman ko na lang ang pagbigat ng dibdib na yung tipong anumang oras ay mawawalan na ako ng hininga.

"Anong organisasyon mo, Miss?" seryosong tanong ng babaeng staff. Gusto kong sumagot pero pinangungunahan ako ng takot. Kay bago-bago ko palang dito pero ganito na ang nangyari sakin.

"Red Org..." Si Magi ang sumagot. Narinig ko ang malakas na bulungan sa paligid. Napayuko na lang ako nang maalala ang executive namin.

"Kaya naman pala eh! Nagmana sa nagmamagaling nilang executive! Ano? Gusto niyo na bang lasunin ang lahat ng mga estudyante?! Mga salot talaga kayong nasa Red Org!" sigaw ng isang lalaki na malapit samin. Nagulat ako pero nanatili paring akong nakayuko. Ayaw ko ng palakihin ang gulo.

"Dapat sa inyo pinapalayas na dito sa eskwelahan!"

"Wala naman kayong naidulot na maganda!"

Assasino Playground (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon