KABANATA 06
(ZETA'S POINT OF VIEW)
Naglalakad na ako pabalik ng dorm nang makasalubong ko si Magi. Mukhang good mood ito dahil sa laki ng ngiti niya.
"Zeta! Tara! Nagsimula na ang welcoming party!" aya niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako. Naubos na ang lakas ko para humindi sa kanya. Mabuti na lang hindi niya napansin ang mga mata ko na mamula-mula pa dahil sa tagal ng iniyak ko kanina.
Maganda na siguro ito para makalimutan ko ang mga nangyari kanina.
Nakarating kami sa entrance ng Gym. Mukhang normal lang na party ang nangyayari. Madaming estudyante sa loob, may nagsasayawan at ang iba ay nagkukwentuhan.
Lahat ng estudyante dito ay magkakaiba ng organisasyon pero sa nakikita ko, magkakasundo ang lahat ngayon.
"Walang masamang mangyayari. Ipinagbabawal ang manggulo o mang-away ngayon. Mapaparusahan ang sinumang lalabag nito. At tsaka, nandito ang lahat ng officer para magbantay." Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko.
Halos hindi ko kilala ang mga nandito ngayon. Pwedeng-pwede nila akong pagkaisahan. Wala akong kakampi, wala akong laban sa kanila lalo't wala pa akong sinasalihan na organisasyon.
"Wow! Ang seksi niya. Ang ganda talaga pumili ni Andrés!" Hindi ko alam kung pinaparinggan nila ako o sadyang malakas lang ang boses ng lalaking ito. Dalawang lalaki ang papalapit samin ni Magi. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Nahiya tuloy ako dahil sa mga titig nila.
Tsaka sinong Andrés naman kaya ang tinutukoy niya?
Magkamukha silang dalawa nang matitigan ko ang mga mukha nila. Kambal. Mukhang pilyo at loko-loko sila sa unang tingin pa lang. Alam niyo yon, yung may gagawing kalokohan. Mahilig mang-prank ng ibang tao.
Nakasuot ng kulay puti na suit ang nagsalita kanina habang naka-black suit naman ang kakambal niya. Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Magi nang makita ang dalawang lalaking ito. Kilala niya ata.
"Just shut your mouth if wala din namang magandang lalabas sa bibig mo." Narinig ko ang boses ni Casano. Kadarating niya lang. Ang sama ng tingin niya sa kambal.
"Casano..." mahinang sambit ko pero narinig ito ni Magi na nasa tabi ko.
"Kilala mo siya?" tanong ni Magi.
"Oo. Siya ang kasama ko sa orientation kahapon," sagot ko naman.
"Ow! So alam mo na bang single dad siya?"
"Ha?" gulat akong napatingin kay Magi.
"Seryoso? May anak na siya?" tanong ko na siyang naging dahilan ng paglingon ni Casano samin. Napalakas ata ang pagkakasabi ko nito.
"HAHAHA!" Imbes na sumagot ay inuna muna ni Magi ang pagtawa.
"You too, Magi. Shut your mouth or else..." pagbabanta ni Casano. Nahihiya na tuloy akong tumingin sa kanya dahil sa nasabi ko.
"Single dad ng dalawang makukulit na pusa! HAHAHA!" hindi ito tumitigil sa pagtawa. Halatang naaasar naman na si Casano pero hindi niya na lang ito pinansin.
Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago lumapit sa kambal.
"I'm warning the two of you. Don't get into any trouble." Para siyang tatay na pinagsasabihan ang anak.
Ohh... Alam ko na ang ibig-sabihin ni Magi. Hindi totoo na single dad si Casano. Sa tingin ko, mas akma na tawagin siyang 'baby sitter'. Natawa ako ng kaunti sa naisip ko. Napansin ito ni Magi at sinikuan ako.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystery / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...