Kabanata 05

59 8 0
                                    


KABANATA 05

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Asan na kaya si Magi? Nakita ko lang siya kanina e. Nawala agad sa paningin ko dahil sa mga nagsisidaanang estudyante.

Mag-isa lang ako na naglalakad papunta sa Gym. May kalayuan ito at madilim na ang paligid. May ilaw sa pathway na dinadaanan ko pero kailangan ko paring mag-ingat. Baka bigla na lang akong hilahin tapos saksakin.

Yinakap ko ang sarili ko dahil sa biglang paglamig ng simoy ng hangin. Nagsuot na lang sana ako ng jacket imbes na suotin ang dress na binigay ng taong di ko naman kilala. Ano kayang pumasok sa utak ko at tinanggap ito? Pinagtitripan ata ako ni Casano.

Kitang-kita ang cleavage ko dahil sa sobrang fit ng dress. Baka pagtinginan ako nito. Hindi ako mapakali sa seksi nitong suot ko. Nakakagalaw pa naman ako dahil maliit ang heels ng sandals ko.

Mali ata ang desisyon ko na isuot ito. Babalik na muna ako sa dorm at magpapalit. Kapag di nila ako papapasukin ng nakadamit na normal, edi aalis na lang ako. Mas gusto ko na lang matulog kesa makihalubilo sa mga taong hindi ko lubos kilala.

Magmula nang malaman ko ang kahulugan ng Death whistle, hindi na ako mapakali. Napapraning ako sa loob-loob ko. Natatakot ako hindi lang para sakin kundi para sa mga estudyanteng walang kamalay-malay sa delubyong mangyayari.

Ano kayang gagawin ni Casano? Isa pa yun. Napaka-misteryoso niya. Ni wala akong nalalaman tungkol sa pagkatao niya.

Hindi pa ako nakakalayo ay napagpasyahan ko na talagang bumalik sa dorm. Tumalikod na ako at nagsimulang lakarin ang daang pabalik nang biglang...

May humila sakin! Tulong! May humila sa akin sa madilim na parte!

Ang lakas ng pagkakahila sakin na napasubsob pa ako sa dibdib ng taong humila sakin. Grabeng tigas naman ng katawan nito, muntik ng mabali ang buto sa ilong ko. Nakayakap parin ako sa katawan ko at napapikit.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay sa bewang ko at niyakap ako. Muntik na akong tumili sa sobrang dikit ng mga katawan namin. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Hindi ko maaninag ang mukha ng taong ito dahil sa dilim ng lugar.

"Sino ka?!" kinakabahang tanong ko at sinubukang itulak ito. Mahigpit ang pagkakayakap niya sakin at samahan pa ng tigas ng katawan niya. Wala akong laban.

Sumuko na ang katawan ko sa pagbabasakaling makawala ako sa yakap niya. Nagsasayang lang ako ng lakas. Ano bang meron sa mga katawan nila at ganun na lang ang tigas nito?! Katulad na katulad niya ng katawan yung lalaking sugatan na lumapit sakin noong unang araw ko dito.

Hindi kaya siya ito?

"Sino ka?" pag-uulit ko ng tanong.

"Mas magaling ba siya sakin?" nagulat ako sa tanong niyang ito. Woah! Ang lalim ng boses niya. Para akong hinuhugot nito. Ngayon alam ko ng hindi ito yung lalaking sugatan na nakilala ko. Kung ganon sino ang taong ito?!

"Sinuot mo ang damit na binigay niya." Etong dress ba ang tinutukoy niya? Teka, pano niya nalaman na binigay lang ito sakin?! Ang creepy naman.

"Kilala mo kung sinong nagbigay nito?"

"Alam ko ang tipo niya sa isang babae, pero hindi ko inaasahan na ang isang tulad mo ang magugustuhan niya."

"Teka, hindi kita maintindihan! Sino ba ang tinutukoy mo? Hindi ko nga kilala kung sinong nagbigay sakin nito!" inis na sabi ko.

"Mabuti naman kung ganun. Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ang taong yun." Tila ba may awtoridad sa boses nito. Bakit ba parang siya ang magdedesisyon kung kikilalanin ko ang taong nagbigay sakin nito?!

"Ano bang sinasabi mo?! Ni hindi nga kita kilala tapos parang inuutusan mo pa ako." Nagpumilit ulit akong makawala sa mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.

"Pwede ba?! Bitiwan mo na ako! Hindi tayo close para gawin mo sakin ito!" hindi ko napigilang sigawan siya. Naiinis na ako at pakiramdam ko ay sinasayang niya lang ang oras ko.

Ilang saglit lang ay inalis na niya ang mga kamay niya pero hinawakan niya ang kanang kamay ko. Hinila niya ako sa maliwanag na lugar at tinulak ako sa pader na nandoon. Iniharang niya ang dalawang kamay niya para hindi na naman ako makawala.

Inilapit niya ang mukha niya sakin. Gusto kong ilayo ang sarili ko pero pader na ang nasa likod ko.

Sa pagkakataong ito ay gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Hindi dahil sa ginawa niya kundi dahil napagtanto ko na kung sino ang lalaking ito. Wala siyang suot na eyeglass pero tandang-tanda ko ang mukha niya.

Ang lalaking nerd na nakita ko sa canteen...

Ang nagbigay ng sobrang takot sakin...

Pero bakit??

Hindi ko ramdam ang mabigat na presensya niya kanina dahil abala ako sa pag-iisip kung paano makakawala. Ngayon na nakita ko na ng malinaw ang mukha niya, gusto ko na lang magpakain sa pader sa likod ko.

Ang mga titig niya sakin, para akong sinasakal nito. Parang tinitignan ako nito hanggang sa kaloob-looban ko. Natatakot ako sa kanya. Nanginginig na naman ang buong katawan ko. Kakaiba talaga ang presensyang inilalabas niya.

Sinisigaw ng utak ko ngayon na tumakbo. Delikado ang lalaking ito. Ramdam ko ang itim na awrang bumabalot sa kanya. Para bang sabik na sabik itong pumatay.

"Hindi ko gusto ang mga tingin sakin ng iyong mga mata. Takot na takot ito sakin. Ikaw lang ang taong tumingin sakin ng ganito." Mahina pero rinig ko ang mga salitang binitawan niya.

"Lahat ng mga estudyante dito, normal lang ako sa paningin nila. Pero ikaw... ni hindi itinago ng mga mata mo ang sobrang takot sakin." Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Nag-papaawa ba siya?!

"Pero huwag kang mag-alala, babaguhin ko ang pagtingin mo sa akin." Tinitigan niya ako sa mga mata. Seryoso siya sa mga sinabi niya. Ang kaso ay wala parin akong maintindihan at hindi ko alam ang rason kung bakit niya sinasabi ito.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Meron lang akong isang batas: Ang kay Apolo ay kay Apolo lang pang-habang buhay. Pwedeng lumabis, hindi pwedeng magkulang."

Ha?! Anong pinagsasabi ng lalaking ito?! Ano namang gusto niyang ipahiwatig sa mga sinabi niya?

"Huwag mong kakalimutan yan."

Ang sunod niyang ginawa ang labis kong ikinagulat. Natameme ako. Hindi ako makagalaw ng ilang minuto. Parang kinuryente ang tiyan ko. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon.

Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad. Mas lalo akong nakaramdam ng inis.

"Yah!" inis na sigaw ko habang nakatingin sa kanya. Matapos niya akong HALIKAN SA LEEG, aalis na lang siya ng ganon?! Iiwan niya ako na walang ideya man lang sa ginawa niya!

Tumigil siya at nilingon lang ang mukha sakin. Kinabahan ako nang mapansin ang talim ng mga titig niya.

"Sino ka ba talaga?" nilakasan ko na ang loob ko para itanong ulit ito.

"Apolo..." maikling sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Naiwan ako dito na tulala. Napasandal ako sa pader at tumingala sa kalangitan.

Totoo ba ang mga nangyari kanina???

Pakiramdam ko nang mga oras na ito, sobrang hina ko. Hindi ako makalaban. Hinayaan ko lang siya na gawin ito sa akin.

Niyakap ko ang sarili kong muli. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Sa sobrang takot ay hindi na ako nakapag-isip ng tama. Nawalan ako ng lakas. Pinagmukha niya akong talunan. Ang dali lang para sa kanya na paikutin ako sa mga kamay niya.

Unti-unti ng nagsibagsakan ang luha mula sa mga mata ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makaramdam ako ng pagod.

Assasino Playground (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon