KABANATA 22
Nahihirapang huminga ang lahat ng estudyante na naapektuhan sa pulang usok na ikinalat sa buong Gym. Hindi na gumagalaw ang mga naunang biktima ng lason. Kung eestimahin ay nasa higit 70% ng mga estudyante ang nalason. Magkakaiba man ng organisasyon, pare-pareho lang sila ng sinapit.
Halos wala ang mga staff sa eskwelahan ngayon dahil ipinatawag sila ng may-ari ng unibersidad. Pangalawang linggo pa lang ng pagsisimula ng klase ay ganto na ang nangyayari. Hindi ito pangkaraniwan ngunit hindi ito ang unang beses na nilason ang mga estudyante.
Ipinagbabawal naman talaga ang paggamit ng lason. Para maka-survive sa eskwelahang ito, sariling lakas ang ginagamit. Pisikal na labanan ang pinaiiral. Bawat estudyante ay may natatagong halimaw sa loob, ang kinakailangan lang gawin ay kontrolin ito. Ang pinaka-malakas sa lahat ang naghahari sa eskwelahang ito. Sa inyong kaalaman, si Casano ang itinuturing na hari ng Assasino University ngayon.
...
Hawak-hawak ang dibdib, ilong, tiyan at leeg, nilalabanan nila ang pulang usok na pumapasok sa kanilang katawan.
Walang tumutulong sa kanila dahil maski ang mga officer ng Prime Org ay nalason na rin. Hindi makalapit ang mga staff ng ospital, natatakot din sila na baka madamay sa lason. At isa pa, wala silang maibibigay na paunang lunas sa mga biktima.
Agaw-buhay na ang karamihan sa kanila, naghihintay na mailigtas.
Sa kalagitnaan ng kanilang paghihirap ay umalingawngaw ang boses ng isang babae. Ginamit nito ang mic ng eskwelahan. Nakakalat ang mga speaker sa buong campus kaya maririnig ito ng bawat estudyante.
"Magandang araw Assasino University! Nagustuhan niyo ba ang regalo ng Black Org? HAHAHA!"
Naririnig ito ng mga tao ngayon sa ospital lalo na sila Pacifica. Napaisip sila at inalala kung kaninong boses ang nagsasalita.
Parang baliw na tumatawa ang babae na tuwang-tuwa pa sa nangyayari. Gusto man siyang murahin at sugurin ng mga ito ngunit wala na silang lakas pa na natitira.
"Pero magandang balita! Pwede niyong makuha ang antidote!" nagpatuloy ito.
'Si Leona', naalala na nila Pacifica kung sino ang babaeng nagsasalita. Siya ang babaeng nakalaban ni Zeta. Ito rin ang taong nasaksak ng lason.
Labis na ipinagtataka ngayon ni Pacifica kung bakit ginagawa ito ni Leona. Ano ang rason niya para gawin ito? Inuutusan ba siya??
'Mukhang miyembro rin siya ng Black Org,' ito ang naisip ni Pacifica.
"Para makuha ang antidote, kailangan niyo syempre ng taong kukuha nito. Sino kaya ang taong pwedeng magligtas sa inyo? Hmm..."
Mukhang baliw na talaga si Leona. Kung magsalita siya, parang normal lang siya na nag-aannounce. Ito ang nakatatak sa isip ng bawat estudyante ngayon, baliw ang mga miyembro ng Black Org.
Hindi man inaasahan ng mga estudyante ang announcement na ito, tila nagkaroon sila ng kaunting pag-asa. Kung totoo nga ang sinasabi ni Leona, kailangan nila ng taong kukuha nito.
"Gusto niyo bang malaman kung sino ang magiging tagapagligtas niyo? Kilalang-kilala niyo na ang taong ito!"
Nakaramdam ng kaba si Pacifica nang marinig ito. Wala pang pangalan na binabanggit ngunit inihanda na ang sarili. May malaking posibilidad na siya ang tinutukoy ni Leona.
"Walang iba kundi si Pacifica! Ang executive ng Red Org! Kung gusto mong iligtas ang mga estudyanteng nasa Gym, pumunta ka mamayang gabi sa abandonadong gusali. Ikaw lang dapat. Kapag nakita ka naming may kasama ay wala ng lunas na maibibigay. Kailangan mong tumupad sa usapan. Good luck! Babye!" At wala ng sumunod pang nagsalita. Naka-off na muli ang mga speaker.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Misterio / SuspensoThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...