KABANATA 12
(ZETA'S POINT OF VIEW)
Mga kalahating oras siguro ang lumipas bago ko napagpasiyahang lumabas. Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga sasabihin ko para madepensahan naman ang sarili ko.
Binuksan ko ang pintuan at nilakasan ang loob.
"Zeta!" nilingon ko ang tumawag sakin. Si Magi. Lumapit ako sa kanya.
"Anong nangyari kanina? Bakit ka nila pinagbibintangan na sumaksak kay Leona?" bungad nito.
"Leona?" nagtatakang tanong ko naman.
"Hindi mo siya kilala? Diba nagkausap kayo kanina. Siya yung babaeng nasaksak at duguan."
"Hindi siya nagpakilala sakin."
"Ayos ka lang ba? Nabalitaan kong nahimatay ka kanina." Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Magi.
"Oo. Nakita mo ba si Casano?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nasa loob sila ng computer room. Pinapanood nila ang video footage na nakunan ng CCTV nung mga oras na magkausap kayo ni Leona," napalingon kami sa kadarating lang na si Kimberly.
Napalunok ako nang marinig ito. Paano nga kaya kung ako talaga ang sumaksak? Hindi ko talaga maalala ang bawat nangyari lalo na nung nawalan ako ng control sa sarili. Para bang may sumanib sakin at kumontrol ng katawan ko.
"Ano palang ginagawa niyo dito?" Tinignan naman nila ang isa't-isa na parang nagpapasahan pa kung sinong sasagot.
"Nandito kami para---" Napatigil bigla si Magi. Bumaling ang tingin nila ni Kimberly sa likuran.
Unti-unti akong tumalikod para tignan ito.
Fairy? Hindi e. Iba pala kapag nakita mo siya sa personal. Ang litrato ng babae na nakita ko kanina sa pintuan ng isang room. Yung puti ang buhok. Ngayon na nakita ko siya sa malapitan, ang haba ng pilik-mata niya. Mas matangkad siya sakin. Namamangha parin ako sa kulay ng buhok niya na mukha talagang natural.
Ano ng pangalan niya? Ocean? Mali. Mahaba ito.
Aha! Oceanía Pacifica...
Teka, nakatingin din siya sakin. Kilala niya ba ako?
Habang tumatagal akong nakikipagtitigan sa kanya, nararamdaman kong para bang lumalakas ang awrang inilalabas niya. Siya ang female version ni Casano. Makikita ang superiority sa kaniya kahit hindi pa nagsasalita. Executive kaya siya?
"Anndrew Zeita, simula ngayon ay miyembro ka na ng Red Organization." Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan ng hindi nakapagsalita. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Kimberly sa balikat ko.
Eh?! Para bang tumigil ang mundo ko ng ilang minuto. Nakatingin lang ako sa kawalan, walang ideya kung ano bang uunahin kong maramdaman.
Tulala akong pinanood siyang maglakad palabas ng gusali kasama si Kimberly. Naiwan kaming dalawa ni Magi.
"Yieee! Tinanggap ka na ng executive namin!" patalon-talon pa si Magi at hinawakan ako.
"S-siya ang e-executive ng R-Red-- Red Org?" nauutal na tanong ko.
"Oo! Ang ganda niya noh?!" Tumango na lang ako bilang sagot. Matutuwa na ba ako nito? May problema pa akong kinakaharap e. May oras pa ba akong magdiwang?
Sakto namang natanaw ko si Casano na kakalabas lang sa isang room. Nakita niya ako kaya naglakad siya palapit samin.
"Congratulations..." nakangiti nitong bati sakin.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystère / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...