KABANATA 03
(ZETA'S POINT OF VIEW)
"Zeta na lang ang itawag mo sa akin," pagpapakilala ko.
"Pwede ba akong makikain sa fries mo?" Ako lang bang nag-iisip o talagang nagpapa-cute siya sakin. Hindi na ako nagtaka pa na makikikain siya dahil sa sobrang daldal niya.
Habang pinapanood ko siyang kumain ay napagtanto kong isang oportunidad pala ito para makakalap ng bagong impormasyon. Hindi kasi sapat ang mga sinabi ni Casano sa orientation kanina. Nabitin ako e.
"Pwede ba akong magtanong sayo, Magi?" nilakasan ko na ang loob ko para magtanong. Wala namang mawawala kapag ako na mismo ang mag-boluntaryong magtanong.
Kumakain parin siya ng fries at paubos na rin ito. Syempre may kapalit ang pagpapakain ko sa kanya.
"Sige. Ano yon? Magtanong ka lang," sagot niya habang ngumunguya ng fries.
"Matagal ka na ba rito?" panimula ko naman para makilala siya kahit papaano.
"Matagal na. Kabisado ko na ang bawat sulok ng unibersidad na ito. Pero di pa ako matanda ah."
"Kung ganon, alam na alam mo na ang mga organisasyon dito."
"Oo naman," confident niya namang sagot.
Sinunod niya ang empanada ko na lantakin. Gusto ko sanang magreklamo dahil paborito ko yun at tinira ko yun para sa panghuli. Pero wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya.
Pwede naman akong bumili ng bago ulit kaya nagpatuloy na ulit ako sa pagtatanong.
"Kung di mo sana mamasamain ay pwede ka bang magkwento ng nalalaman mo tungkol sa mga organisasyon? Pinagpipilian ko palang kasi ang sasalihan ko kaya makakatulong talaga kapag magbibigay ka ng nalalaman mo," ngumiti ako sa kanya na may kasamang pagmamakaawa na rin.
Tumigil naman siya at saglit na napaisip.
"Sige! Anong organisasyon ang gusto mong unahin na alamin?" nagpatuloy ulit siya sa pagkain pero nasa akin na ang atensyon niya. Natuwa naman ako sa loob-loob ko.
"Hunter Organization?" Ito ang una kong naisip. Wala akong balak na salihan ito pero gusto ko lang magkaroon ng ideya tungkol dito.
"Mga pasaway ang nandun, sila ang mahilig gumawa ng mga away dito. Porket madami lang sila, anlalakas na ng mga loob. Huwag kang sasali don. At isa pa, antaray ng executive nila. Marunong lang mag-utos yun pero walang panama yun sa mga labanan."
"Sino pala ang executive nila?"
"Si..." Hindi naman na ako interesado sa Hunter Org kaya sunod kong tinanong ang tungkol sa Seeker Org.
"May matitino naman sa Seeker Org. Tahimik silang organisasyon, pero alam mo ang mas nakakabilib sa kanila? Yung executive nila... Hindi niya ipinapakita ang totoo niyang itsura sa lahat. Kapag may pagtitipon sila, saka lang siya nagpapakita pero nakasuot siya ng maskara at iniiba ang boses para di siya makilala."
Naiintriga na din ako sa executive na tinutukoy ni Magi. Gusto ko tuloy makita ang taong ito.
Ipinagpatuloy lang ni Magi ang pagkukwento. Sinigurado ko talagang tatandaan ko ang mga impormasyong binibigay niya.
Isa sa mga nalaman ko ay ang mga katawagan sa miyembro ng bawat organisasyon.
Hunter Organization, ang mga miyembro nito ay tinatawag na Hunters.
Prime Organization, tinatawag naman silang Primers.
Seeker Organization, Seekers lang din ang tawag sa mga miyembro.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystery / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...