Reminder before reading Kabanata 10: Kinakailangan na mabasa niyo po muna ang PANIMULA para maintindihan ang kabanatang ito. Kung hindi niyo po binasa ang panimula ay maaaring maguluhan kayo sa ibang parte ng Kabanata 10. I suggest na basahin niyo muna ito para maintindihan niyo po ang mga nangyayari rito. Salamat. Arigato.
KABANATA 10
(SOMEONE'S POINT OF VIEW)
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang pinapanood siyang unti-unting matumba at mawalan ng malay.
Malapit na, malapit ko ng mahuli ang buntot ng dagang matagal ko ng hinahanap na nakatago sa anino ng iba. Humanda ka dahil nagbalik na ako.
Iniwan na namin ang babaeng ito at hinayaan ang iba na makakita sa kanya. Ginusto niya yan. Sigurado naman ako na hindi hahayaan ng mga alalay niya na mawala ang pinakamamahal nilang executive.
At alam ko ring hindi sila papayag na mawalan ng lider ang kanilang organisasyon, ang Hunter's Org.
Hindi na ako nagsayang ng oras pa kaya dumiretso na ako sa gusali namin. Ito ang pinakahuling gusali sa apat na organisasyon dito sa Assasino University.
Ilang linggo rin akong nawala dahil sa injury na natamo ko sa kaliwang kamay ko. Nasobrahan kasi ako sa paglalaro ng tennis. Ilang araw din akong namalagi sa ospital para magpagaling.
Ngayon na nakabalik na ako ay sisiguraduhin kong hahanapin ko ang dagang nagpapasok ng lason sa opisina ko. Ang totoo, hindi naman talaga ako nalason kaya naospital ako gaya ng inaasahan ng mga kaaway ko. Hindi ko nainom ang lason na nilagay nila sa baso ko dahil nga sobrang babad ko sa paglalaro nun.
Mabuti na lang at napansin ito ni Magi, ang pangalawang Baron ko. Magaling siyang kumilatis lalo na sa mga lason.
Hindi ko alam ang pwedeng maging epekto nito sa katawan ko kung sakali mang nainom ko ang lason. Pwedeng ikamatay ko ito. Kung sino man ang taong gusto akong lasunin, maghanda na siya. Hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pagbabanta sa buhay ko.
At kung pinag-uusapan ang pagbabanta ay hindi mawawala ang mga death threats na pinapaskil sa gusali ko. Ito pa talaga ang ibubungad nila sakin, dinikit pa mismo sa pintuan para ito ang una kong makita.
Hindi na ako nag-abalang basahin ang mga nakasulat at pumasok na lang.
Pagkapasok sa opisina ay naupo ako kaagad. Hindi ko parin maigalaw ng maayos ang kaliwang kamay ko kaya mananatili muna ako dito hanggang sa matapos ang araw.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng office. Wala namang nagbago ngunit mas naging maayos na ito. Antahimik ngayon dahil wala ang mga Baron ko. May kanya-kanyang misyon kasi sila kaya kasalanan ko din na wala akong nakakausap ngayon.
"Kimberly..." tawag ko sa assistant ko. Kapapasok lang nito hawak-hawak ang laptop.
"Na-retrieve ko na ang footage ng araw na pinasok ang office mo." Inilapag niya ang laptop sa harap ko at may pinindot. May nag-play na video.
Pinanood ko ito ng mabuti. Madilim ang paligid, matalino mag-isip ang taong ito. Ilang minuto ang lumipas ay nagpakita na ito papasok sa office ko. Dahan-dahan itong naglalakad palapit sa mesa ko. May hinugot itong maliit na lalagyan mula sa bulsa at pinagpag ng konting powder ang basong nakapatong sa mesa ko.
Powder. Ang problema ay hindi ko makita ang kulay nito dahil sa dilim. Katamtaman ang tangkad ng taong ito. Sobrang takip ng mukha para di mamukhaan. Isa lang ang sigurado ako, babae ito.
Pagkatapos panoorin ay ipinatawag ko kay Kimberly si Magi. Papalabas pa lang ng office ko si Kimberly ay bumukas ang pinto at iniluwal nito si Magi.
"Nakita mo na ba ang application form?" bungad nito na pagkalaki-laki ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Assasino Playground (Completed)
Mystery / ThrillerThis is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND. If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. Each organization has its own lea...