Chapter 8

907 50 18
                                        

"Ang lalim iniisip natin ah?"

I sighed as I heard Melize. Kakarating niya lang and she sat besides me. Hindi kasi siya sumabay sa akin dahil hinanap pa niya sa dorm ang nawawala niyang notebook.

According to her, that missing notebook had her poems that she created herself so I decided to go here alone.

Ilang minuto na ako dito sa cafeteria. These days, parang gusto ko rin talaga mapag isa upang makapag isip. Hindi ko kasi alam ano sunod kong gagawin kasi bukod sa kinakabahan ako, hindi ko rin alam paano ko papasukin ang buhay nina Gray.

"Nag br-brain storm lang para sa nalalapit na outreach program," pagsisinungaling ko.

"Well, by partner naman 'yon. Tsaka, kung inaalala mo sino makakapartner mo, I am always free." She said as she smiled.

By partner or group ang sabi ni Ma'am kaya siguro,  sabay na lang kami.

Tumingin ako sa kaniya. "Salamat, Melize. Pero sa tingin ko mas maganda kung si Ivan magiging partner mo."

"Sira!"

I chuckled.

Hindi ko alam kung ano namamagitan sa kanila pero nakakahalata na ako. Kababalik lang namin ni Gray mula sa pagkakasuspend at bumungad sa amin ang balitang nagkakamabutihan na si Melize at Ivan.

Lowkey lang ata sila pero hindi secret.

"Tigilan niyo na ako please lang," natatawang sabi ni Melize.

I teased her again, I just find it fun teasing her. Pero kung ako tatanongin, bagay sila ni Ivan. Pareho silang matalino, mabait, pogi at maganda.

From the moment that I met Melize, I know that she will be my very first female friend. We have something in common and I like her vibe. She's caring and kind. Bagay sa kaniya ang shoulder length niyang hair.

Her porcelain skin seemed to glow under any lighting, giving her an ethereal and radiant allure. The delicate complexion was a canvas for the subtle blush that would occasionally grace her cheeks.

Her features were defined and captivating, with a pointed nose that accentuated her expressive eyes. But perhaps the most captivating aspect of Melize is that she had an air of cleanliness and elegance about her. Her style was effortlessly chic.

"By the way, nahanap mo na ba ang notebook mo?" tanong ko rito.

"Ah, yes! Binalik sa akin ni Manong Janitor, naiwan ko raw sa kitchen kagabi," sagot ni Melize.

"I see."

There's a long silence. Naglabas si Melize ng note niya at nagsimula siyang magsulat. Siguro nag iisip na rin siya ng gagawin para sa outreach. It was announced by Mrs. Alvarez lately na magkakaroon raw ng outreach ang mga nasa special program kaya abala ang iba sa pag iisip tulad namin.

"Anyway, Red, kamusta na pala 'yong pagkuha mo ng kopya ng CCTV footage?" She asked to break the silence.

"I let Clark handle it. Sabi niya, gusto niya raw tumulong," sagot ko.

Tumango si Melize bago ulit mag tanong. "Ano na sunod mong plano kapag nakuha niyo ang kopya ng CCTV footage?

Natahimik at napaisip ako sa tanong niya. Honestly, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko dahil ngayon, nakatuon ang isip ko sa paghahanap ng impormsyon na makakatulong sa akin upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ang mga magulang ko.

Simula no'ng gabi kung saan may naramdaman akong kakaiba sa storage room na iyon ay hindi na ako matahimik. Hindi rin mawala sa isip ko ang narinig ko kay Gray no'ng gabing iyon.

the sinister's webTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon