The news of Vin's arrest had left a bitter taste in my mouth as I sat with Clark in his living room, watching the headlines unfold on the television screen.
Clark let me stay here with him for a while. Nasabi ko kasi sa kanya na wala akong kasama sa bahay. Laking pasalamat ko lang dahil may kaibigan akong tulad nila. Siya rin nagluto ng kinain namin. He is so kind?
"Clark," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Salamat ah."
"Anong salamat, may bayad pananatili mo dito huy!."
I chuckled. "After 10 years, ililibre kita trip to Paris kasama si Celina. Ipapaakyat namin sa'yo ang tower."
Sumimangot siya ng humalakhak ako sa tawa. Mahilig mang asar kaya ibabalik ko sa kanya.
"Grabe naman kayo, salamat na lang."
Nakasimangot parin siya na parang tuta.
"Ilalakad na lang kita kay Celina, kawawa ka kasi parang hindi mo alam pumorma!" Asar ko sa kanya.
"At least totoo ang nararamdaman ko sa kanya!"
Wow edi ikaw na.
"Iba parin kapag na turn on sa'yo ang crush mo dahil mabango ka..." I teased.
He started smelling his shirt.
"Naliligo araw araw..."
Natigil siya bago sumagot.
"Nakalimutan ko lang ngayong araw pero mamaya maliligo ako!" Giit niya.
"Nagtotooth brush..."
Bumulwak naman ang tawa ko nang amoyin niya ang kanyang hininga. "So how does it smell?"
"Amoy cherry huy!"
Sabay kaming tumawa sa sagot niya.
"Baka amoy adobo?"
Tumawa ulit ako. Sarap niya magluto ng ulam. Baka gusto niya maging chef sa future.
"Huy may proper hygiene naman ako! Tinatamad lang minsan!"
"Weh?" I teased.
"Oo kahit amoyin mo pa kili-kili ko!"
I cringed. "Hindi na, ikaw na lang. May ilong ka naman. Kaya mo na 'yan!"
"Sige bahala ka, chance mo na sana eh!"
"Yuck!"
Clark is really a handsome guy. Malinis rin siya tulad ni Celina kahit tinatamad siya maligo minsan. His sun-kissed skin complementeng his rugged handsomeness and his thick brows arched gracefully over his mesmerizing hazelnut eyes.
Matangkad siya at halatang tambay siya sa gym tulad ni Gray at Ivan. Mahilg din ata siya mag soccer dahil may mga trophies akong nakikita rito.
"Alam mo, Red, labas tayo minsan. Pasyal tayo kung saan mo gusto, mukhang malungkot buhay mo eh," pag iiba niya sa topic.
I smiled bitterly. I longed for it. For the first time, may nagyaya sa akin.
"Oh, huwag kang iiyak. Ililibre mo ako kapag gumala tayo!"
Napapunas ako sa mga nangilid na luha sa mga mata ko. "Ikaw na, mayaman ka nama-"
Napatingin kami sa screen nang magsalita na si Chief.
"Hopefully ay mahuli na rin natin ang kasamahan ni Vin at gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mahanap ang mga nawawalang kabataan," saad ni Chief Sandrino sa isang interview sa TV.
BINABASA MO ANG
The Sinister's Web
Mystery / ThrillerThousands of missing students. 6 Teens. 1 sinister. The truth is elusive and everyone is a suspect. The teens discover something as they go deeper into the darkness. Someone is hiding in the shadows, shielded by a cloak of deceit. Will they uncover...