Chapter 10

606 34 8
                                    


Sabay kaming bumaba ni Melize mula sa kanilang sasakyan. Hinatid kami ng papa niya dito sa Bahay Ampunan kung saan ako lumaki. Ito kasi ang napili naming place para mag lend ng service para sa aming outreach program.

I think this would be the perfect time to get along with kids. Hindi na muna kami mag iimbestiga tungkol sa mga nangyayari sa school. We have agreed to continue it right after the outreach program.

"Salamat po," wika ko sa papa ni Melize.

Tinulungan niya rin kami sa pagdala ng dalawang malaking ice cream container na para sa mga bata. Nang pumasok kami sa loob ay napangiti ako nang bumungad sa amin mga batang masyang naglalaro sa ground. Ang iba ay nakikipaghabulan pa kay Clark.

Nauna kasi sila nina Gray rito. Sinamahan ko kasi si Melize sa pag order ng ice cream. Si Celina naman ay nasa ibang outreach program kasama ang iba nilang kaklase.

My eyes began to find Gray and Ivan. I don't know why my eyes keeps on searching Gray for no reason. Maybe because siya ang tagrget at source ko para sa hustisyang gusto kong makamit.

"Tara na?" Pagyaya sa akin ni Melize nang makapagpaalam na siya sa papa niya.

Pumasok kami sa loob at masayang sinalubong kami ng mga bata. Their warm and welcoming smile made me feel happy. The sense of warmth and hope enveloped us. The children greeted us with wide smiles and excited cheers, eager to spend time with us.

Nakakamiss pala rito. It's been 2 months since my last visit at my first home. Masyado akong na busy at nakalimutan kong bumisita dito. But luckily, I got the chance to go here.

"Hi Kuya Red!" Bati sa akin ng dalawang batang lalaki na nasa tingin ko ay nasa pitong taong gulang na.

"Hi Kids!" Balik ko sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.

"Hi ate ganda!"

Niyakap din ng mga bata si Melize at tuwang tuwan naman ito. "Hello kids, ako si ate Melize. Kaibigan ng kuya Red niyo."

Hinatak ng mga bata si Melize at nakipaghabulan sila rito. Dumiritso ako sa loob ng bahay at naiiyak akong ngumiti nang makita ko sina sister Gina at Rona.

"Hijo, anak," naiiyak ding salubong sa akin ni sister Gina at niyakap ako ng mahigpit. "Ang laki mo na!"

Nagmano ako sa kanila bago umupo. "Sorry po ah, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng oras na bumisita rito."

They smiled at me. "Okay lang 'yon, anak. Sa totoo lang ay nag alala kami sa'yo dahil hindi mo na kami binisita," wika ni Sister Rona.

I missed them a lot. Sila ang naging magulang ko no'ng mga panahong hindi pa ako natagpuan ni tita Natalie.

Sila nagpaaral sa akin sa elementarya sa paraalan na malapit rito at itong bahay na ito ang aking naging unang tahanan.

"Marami po kasing ginagawa sa school," sagot ko. "Pero namiss ko po kayo!"

"Namiss ka rin naman, anak. Akala namin ay kinalimutan mo na kami," sabi ni Sister Gina.

Kaliwa't kanan ang kumustahan namin nina sister. Napag usapan rin namin ang tungkol sa mga kabataang nawawala noong mga nakaraang araw. Hindi nila maiwasang mag-alala sa akin dahil hindi na raw ligtas sa labas. Sinabi ko na rin sa kanila na muntikan na akong madukot ngunit sa awa ng Diyos ay nakaligtas ako.

"Mag iingat ka palagi, anak ah?" Sabi sa akin ni Sister Gina.

Ngumiti ako sa kanila at tumango bilang sagot.

Tinanong ko sina sister kung nasaan sina Gray at sinabi nila sa akin na nasa ilalim daw ng puno malapit sa playground. Kaya nagpaalam ako sa kanila ka pupuntahan ko sina Gray.

The Sinister's WebTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon