Chapter 22

556 36 17
                                    


"Hindi ba sinabi namin sa iyo na huwag basta basta lumabas kasi delikado?"

Napabuntong hininga ako sa singhal sa akin ni Oliver. I didn't mean to make them worry about me. Aware naman ako na delikado ang ginawa kong paglabas mag isa kaya hindi na ako sumasagotsagot pa to defend my side kasi mali naman talaga ang ginawa ko.

"Paano kung nakuha ka no'ng mga kidnappers na iyon!?" Dagdag niya pa.

"Sorry," I muttered.

Kung alam ko lang na iyon ang mangyayari edi sana hindi na ako lumabas ng bahay. Nag aalala kasi ako kina sister kasi for sure nag aalala din sila sa akin. Miss ko na rin sila!

"Paano kung dinala ka ni Gray sa mga pulis!?"

Napalingon ako kay Oliver dahil sa tanong niya. "He's not Gray, it's his alter ego, Harry."

"Really? You really think na alter ego niya iyon?"

"Oliver his condition is serious, he has DID. Sometimes nakakalimutan niya na siya si Gray at sasabihing Harry ang name niya!" Hindi ko naiwasang sagot.

I am not into defending Gray, I just need to clear things out here. Hindi kasi aware sina Oliver na may gano'ng condition si Gray. They think that Gray is nobody but a bad guy.

"And hindi naman iyon gagawin sa akin ni Gray, kilala ko siya," mahina kong sabi.

"Kahit na, Red. Delikado pa rin ginawa mo!"

"Oo na! Tsaka bawal ba bumisita kina sister?"

"You should've told us about visiting the orphanage. Sasamahan ka namin, Red," Oliver replied.

Hindi na ako umimik at napayuko na lamang. Panandalian kaming natahimik hanggang sa magsalita ulit siya.

"Anyway, pinakuha ko na si Gazan ng susuotin natin para sa prom," he said.

Parang akong nabuhayan dahil sa sinabi niya not because I want to enjoy. I just think it's the perfect time to reveal who really Governor Damzelle is.

Hawak naman namin ang proyeba kaya why not? Isang kabit lang ng flash drive sa laptop ng handler ng systems, lalabas na sa screen ang video ni Governor.

"Kung ayaw mong sumama, then wait for us here. 'Wag na 'wag kang lalabas mag is-"

Hindi ko pinatapos si Oliver ng sasabihin niya, "Sasama ako!"

Seryoso siyang napatingin sa akin at tipid na ngumiti. "Okay."

"Ayaw mo ba akong sumama?" Tampo ko.

"May sinabi ako? 'Wag mo akong tampuhan, wala akong balak suyuin ka."

"Edi wow."

Tumawa siya.

Akala ko dati wala na akong pag asang makipagkaibigan kay Oliver at Gazan dahil pare pareho kaming uhaw sa academic validation.Kilala din ang pamilya nila kaya nahihiya silang bumagsak. Sad to say, hindi nila ako napatumba. Pero ngayon, we are here, having one goal. It is so unexpected!

"Come here," tawag niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya na ngayon ay may hinahandang hindi ko alam.

"What's that?" I asked curiously.
I don't like the smell of that cream thingy. Napaka stinky!

Gross.

"I will dye your hair into dark red," he said, wearing plastic gloves.

"What!?" Gulat kong sabi.

Kunti na lang talaga, iisipin kong may balak siyang i-pursue ang pagiging parloresta dahil nitong mga nakaraang araw ay ginupitan niya ako, ngayon naman ay kukulayan niya ang buhok ko.

The Sinister's WebTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon