"Melize!"
"Clark, wala akong time makipag asaran sa iyo!"
"May pick up line ako sa'yo, sabihin mo lang kung bakit."
"Ayoko."
"Pangit ka ba?" Tanong ni Clark kay Melize.
"Ano ba!?" Si Melize.
"Sabihin mo lang bakit."
Umirap si Melize. "Bakit?"
"Ay hindi ka aware?" Asar ni Clark.
"BWISET KA!" Naiinis na sagot ni Melize.
"Uto uto si tang-"
"SHUT THE FUCKING HELL, CLARK!" Iretadong putol ni Gray sa sinasabi ni Clark. "Kanina pa kayo!"
"Vin?" Tanong ulit sa akin ni Ivan.
Hindi kasi ako makafocus dahil kay Clark, ayaw din nila maniwala sa akin.
"I'm telling the truth! Nakita ko siyang sumakay sa van!" I said with conviction. "Hindi ako puwedeng magkamali, sigurado akong si Kuya Vin 'yun!"
Hindi ko na alam paano ko sila papaniwalain na si Kuya Vin talaga 'yung nakita kong sumakay sa van ng mga kidnappers.
I can vividly remember how my instincts went high alert as I saw the black van parked near the school entrance again.
That time I quickly hid behind a nearby car, hoping to remain unnoticed. It was the time when my heart pounded in my chest as I saw kuya Vin entering the Van.
That time, I did everything to hide myself and luckily, hindi nila ako nakita nang mga oras na iyon hanggang makaalis na sila. Hindi ko na no'n tinawagan sina Gray dahil alam kong delikado. Dumiritso na rin ako sa bahay no'n and as usual, ako lang ulit mag isa.
Buti na lang kinaumagahan ay tumawag si Clark at ngayon ay nandito na kami sa bahay nila.
"Gosh..." Tanging sambit ni Melize.
Abala kami ngayon sa paghahanap ng profile ni Kuya Vin dahil minarkahan namin siya bilang kasabwat na mga kidnappers.
This would be an additional investigation and mission. We really had to take this seriously dahil maraming buhay ang madadamay.
"Ngayon malinaw na sa akin bakit halos taga West Arcanian Nexus High ang mga nawawalang kabataan, may kasabwat pala sa loob," saad ni Ivan na tutok na tutok sa laptop.
"All these times, malapit lang pala sa atin ang isa sa mga kidnappers," sabi naman ni Celina.
Napakamot sa ulo si Clark. "Ano ba naman 'to, mukhang madadagdagan nanaman problema natin!" reklamo niya.
"Pare pareho tayong malalagay sa kapahamakan kung wala tayong gagawin," wika ni Celina.
Tumango ako bilang pagsang ayon. "Kaya kailangan nating kumilos!"
Tumayo si Melize at kapansin pansin ang pag aalala sa kaniyang mukha. "Ano na plano natin? Irereport ba natin sa police?"
"Wala tayong hawak na matibay na ibidensya," saad ni Ivan.
"Hindi pa ba sapat 'yung nakita ko?"
"Red, kailangan natin ng ibidensyang magpapatunay na sila ang nakita mo sa school. So far, ikaw palang ang witness sa mga pagkidnap nila," sagot ni Ivan.
Sumimangot ako dahil do'n. Kailangan na naming taposin ang kanilang ginagawa dahil kung hindi ay marami silang mabibiktimang kabataan. As days goes by, parami nang parami ang nawawalang bata.
BINABASA MO ANG
The Sinister's Web
Mystery / ThrillerThousands of missing students. 6 Teens. 1 sinister. The truth is elusive and everyone is a suspect. The teens discover something as they go deeper into the darkness. Someone is hiding in the shadows, shielded by a cloak of deceit. Will they uncover...