--------
-" A whispered farewell, a mysterious tale
Where secrets and whispers intertwine
the power helps with no divine
Beneath the moon's soft ethereal glow,
Whispers of truths begin to flow.With sugar-coated words, they spin their web,
Behind the wall of authority and might,
A heartless hidden, out of sight "-------
-Lumipas ang ilang oras at hindi ko parin ma-gets kung anong meron ang tula. Sabi kasi nila makakatulong daw ito sa aming pag iimbestiga kasi may hidden meaning daw ito pero hirap na hirap akong intindihan ang tula.
"Hindi kaya normal written poem lang ito? Wala kasi akong mabuong conclusion eh," saad ko.
Tinupi ko ulit ang papel at binigay kay Melize. "Try mo nga!"
Kinuha niya ito at binasa. I loosen up my tie and fix myself. Kakadismiss lang sa amin ng teacher at imbes na kumain kami sa cafeteria ay ito kami, patuloy parin sa pag analyze ng tula.
We started decoding it last night since Celina successfully got it. According to Gray, it is not just a poem, it's a suicide note, and it confesses something. Pero hindi parin kami nakabuo ng conclusion.
Ilang oras ding inanlyze ni Melize pero bakas sa mukha niya ang pagkairita dahil hindi niya rin alam paano i-decode. Ilang sandali pa'y nagsimula siyang magsulat sa papel niya.
Hindi ko natiis ang gutom kaya tinawag ko na siya.
"Alam mo mamaya na 'yan, tara na kasi kumakalam na sikmura ko!" Suway ko kay Melize.
Hindi pa bumabalik si Ivan at Clark simula nong inutos sa kanila ng iba naming teacher ang paghatid ng mga gamit ng sa office ng arcanina kaya kami na muna ni Melize ang magsasabay kasi busy rin si Celina.
Gray the sleepy head is still sleeping. Hindi ko na siya ginising kanina kasi mukhang mahimbing ang tulog niya.
Buong gabi ko rin siyang hindi kinausap last night sa kadahilanang hindi ko alam.
Grabe.
Ewan ko ba bakit naguguluhan ako sa pakiramdam ko kay Gray. I keep on convincing myself that I have to be with him because I know it will help me to get the information I needed in seeking for the justice.
This is been so hard for me. Ang alam ni tita Natalie ay naghihiganti ako pero hindi ko magawa. Hindi ko rin iyon gusto.
Hustisya.
Hustisya ang gusto kong makamit at gagawin ko ang lahat para makamit ko iyon. Ilang taon akong nalungkot. Ilang taon akong nangulila tapos malalaman ko lang na patay na pala mga magulang ko.
The saddest part is hindi ko alam nasaan ang bangkay ng mga magulang ko. Kung hindi sana demonyo ang pumatay sa kanila, sana kahit maayos na libing na lang. Hindi iyong basta basta lang itatapon kung saan-saan.
I washed off the thoughts. Mas lalo lang lalala ang galit ko sa pamilya ni Gray.
Sabay na kaming lumabas ni Melize at naglakad papunta sa cafeteria. Buti naisipan niyang tigilan ang tula, ewan ko ba anong meron do'n.
"Red, nakikita mo ba nakikita ko?" Tanong ni Melize at lumapit siya sa akin.
Tumingin din ako kung saan siya nakatingin and then I saw Kate heading on us. Nakasalubong ang kilay nito at alam naming kami ang pakay niya kaya tumigil kami sa paglalakad ni Melize at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
The Sinister's Web
Mystery / ThrillerThousands of missing students. 6 Teens. 1 sinister. The truth is elusive and everyone is a suspect. The teens discover something as they go deeper into the darkness. Someone is hiding in the shadows, shielded by a cloak of deceit. Will they uncover...