Chapter 26

531 35 24
                                    

CELINA'S POV

I cried out the heaviness I was carrying. It was too hard for me to choose between the justice and my family. I never wished to betray my friends and refuse justice but I had this feeling that I wanted to help my dad even at the lowest point of his life.

Matagal nawalay sa amin si dad, ngayong taon ko lang siya nakasama kaya mahirap sa akin na mawalay sila sa akin. Ayoko rin naman sa ginagawa niya at hirap na hirap na akong magdesisyon.

Kasi kung mawalala sa akin ang mgaagulang ko, sino na kukukopkop sa akin? Sino na tatakbohan ko sa oras na kailangan ko ng karamay?

Last night narinig ko si dad kausap ang mga kasamahan niya tungkol sa binabalak nilang pagsunog sa hotel kung saan gaganapin ang prom. Mas lalo akong kinabahan nang sabihin ni dad na dudukutin niya ang mga estudyante lalong lalo na si Red at ang mga kasama niya.

I didn't hesitate to call Melize that time pero hindi siya sumagot kaya natakot ako. Paulit ulit ko siyang tinawagan pero hindi parin siya sumasagot.

My dad told me to go with them last night instead of going to the prom. Itatakas niya raw ako. Lalayo raw kami sa lugar na ito at magsisimula ng bagong buhay. Hindi ako pumayag. Tumakas ako no'ng mga oras na iyon at pumunta sa hotel.

Nang makarating ako sa hotel ay napatakip ako ng bibig nang makita kong palakas na ang apoy ngunit wala pang rescue kaya tumawag ako ng bumbero at ambulansya.

Nagsilabasan ang mga tao rito pati narin ang mga nagtatatrabaho kaya nakapasok ako at agad akong nagtungo sa ballroom. Nang makarating ako sa ballroom ay bumungad sa ang nagsisitakbuhang mga tao at estudyante kaya pumasok ako at tinawag si Melize pero hindi sila sumasagot.

Nilibot ko buong ballroom pero hindi ko makita sina Melize. Na agaw lang ng pamilyar na lalaki ang atensyon ko. It was Gazan, mukhang hirap siya sa pagtayo dahil nakadapa ito sa sahig at patuloy na inaapakan ng mga estudyanteng nagsisitakbuhan.

Tinulungan ko siya at inalalayan. Sa Fire exit kami dumaan at dinala ko siya sa hospital. Nang madala ko siya roon ay bumalik ako sa bahay at sinalubong ako ni mommy ng sampal. I can vividly how painful her words were.

"You are out of your mind, Celina! Pinaghahanap na ang daddy mo and yet mga kaibigan mo parin ang iniisip mo!"

"SANA HINDI NA LANG KITA NAGING ANAK!"

Para akong sinaksak sa puso dahil sa mga salita niya. She even let me watch the video of my dad posted anonymously on social media.

Isang tao lang ang sumagi sa isip ko nang mapanood ko ang video: si Red. Siya lang naman 'yung pumasok sa amin nang mga oras na inamin ni dad sa akin na siya ang nasa likod ng mga nawawalang bata. Hindi ko matanggap no'ng una dahil maayos akong pinalaki ni mommy tapos malalaman ko lang na si dad ang mastermind.

It's just so funny how I did everything to help my friends uncover the truth but it turns out that I had to swallow my words and forget about what I had done in helping my friends.

"Nilalamon ka na ng kasamaan, Celina!"

Melize's words seemed to be tattooed on my mind. She's right, nilalamon na ako ng kasamaan. Paano ko nga ba nasisikmurang ipagtanggol ang masamang tao? Is it because nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya?

Napa buntong hininga ako.

Lumabas na ang mga kasamahan ni dad nang makaalis sina Melize. I hope they didn't trace any suspicious, nasa labas pa naman ang sasakyan nila.

I let them hide themselves nang dumating sina Melize at ilang oras nila akong pinilit na sumama sa kanila kasi tatakas daw kami ni dad right after the transaction he had with his customers.

The Sinister's WebTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon