"Mag iingat kayo, ah!" Wika ni Celina.
"Pasensya na hindi ko kayo masasamahan, marami pa kasi akong gagawin, alam niyo na, students councils president duties."
"No worries, madam. Yakang yaka naman 'to!" Pagmamayabang ni Clark sabay kindat.
Pinantaasan lang ni Celina ng kilay si Clark dahil sa kayabangan niya saka nagpaalam na.
She can't go with us for our first mission because she has something to do at school.
Nagsimula na kaming magbihis. Pupunta kami ngayon sa bayan dahil balak namin tutukan ang bawat kilos ni Kate. Nasabi ko sa kanila na alam ko kung saan nakatira si Kate kaya ngayon ay doon kami pupunta.
"I think these will help," Sambit ni Ivan at binigay sa amin ang communication device na ginawa niya. Kulay itim ito at tamang tama para sa tenga.
"These little earpieces will allow us to stay in constant communication during the mission. No matter how far apart we are, we'll be connected," paliwanag niya.
Kinabit ko na sa tenga ang akin at napansin kong may maliit na button ito. Siguro ito 'yong magsisilibing on and off nitong device.
"Ang cool!" Manghang sabi ko.
"Hindi ba ito 'yong robotics project mo na inilaban sa america?" Tanong ni Clark habang kinabakit na rin ang kaniya.
"Yup, and actually we can also use those tracking devices made by Gray."
Wow may paganito pa sila.
"Puwede ba magpamusic dito?" Tanong ni Clark.
Diyos ko.
"Tingin mo may memory card 'yan?" Sarkastikong tanong ni Ivan.
"Wala," Clark replied.
"Edi manahimik ka," natatawang sagot ni Ivan.
"What if bluetooth?" Tanong ulit ni Clark
Napailin si Ivan, napupuno na siguro siya sa kakulitan ni Clark.
"Clark, communication device lang 'yan. Para sa pag uusap lang natin kahit sa malayo," sambit ni Ivan.
Sabay kaming napatingin nang pumasok ang babae na akala namin ay hindi si Melize dahil sa bihis nito She's wearing a mini pink dress partnered with her pink heels. Nakasuot rin siya ng blond wig na may cute pink headpiece pang nakakabit sa ulo.
"Huy sira, ano trip mo?" Natatawang tanong ni Clark.
"I'm a Barbie girl, in a Barbie world!" Masiglang sabi ni Melize.
Kapansinpansin din ang pagtitig nang matagal ni Ivan kay Melize na tila nakakita siya ng anghel.
"Wala namang nunal malapit sa bibig si Barbie eh!" Asar ni Clark kay Melize kapansin pansin kasi ang peke niyang nunal sa mukha.
"Shunga! Design 'yan para hindi masyadong halata na ako si Pretty Melize!" She blinked several times as if she were a cute puppy.
"Utot mo blue, hindi nga bagay eh!" Tawang tawa si Clark.
"Che! F.O!" Inirapan lang ni Melize si Clark.
"Batak pala tumitig ang isang Ivan, gandang ganda brad ah?" Pang aasar ni Clark kay Ivan na ngayon ay nag iwas na ng tingin.
"Shut up, Clark," nahihiyang sambit ni Ivan.
May something talaga.
After setting up the communication devices, we went to Gray's car. There was a real sense of expectancy and enthusiasm. We were aware that this mission is kind of risky but we got this.
BINABASA MO ANG
The Sinister's Web
Mystery / ThrillerThousands of missing students. 6 Teens. 1 sinister. The truth is elusive and everyone is a suspect. The teens discover something as they go deeper into the darkness. Someone is hiding in the shadows, shielded by a cloak of deceit. Will they uncover...