Chapter 21

558 37 8
                                    


As soon as the car came to a halt, my heart raced in anticipation. Seeing this house makes me remember what just happened the last time I was here. Lumalalim na ang gabi at narito kami ngayon sa labas ng bahay upang kunin ang laptop ko.

Determined to retrieve the crucial evidence from my house. Oliver, Gazan, and I moved like whispers in the night, our hearts pounding in our chests. The weight of our mission hung heavy in the air.

Nang makapasok kami sa compound ay napamura ako nang mapagtanto kong wala akong susi.

"Lintik na katangahan 'to!"

"May problema ba?" Tanong ni Oliver.

"Wala akong susi," desmaya kong sagot.

"Edi akyatin natin!" Sagot ni Gazan.

"Talaga, Gazan? Kaya mo?" Inis na tanong ni Oliver.

"Eh oo naman..." Tumingin si Gazan sa taas ng bahay at napakamot sa ulo nang makita gaano kataas ang bahay. "Hindi pala hehe."

"Edi manahimik ka!" Singhal ni Oliver sa kanya.

"Sundan niyo ako. Sa likod tayo dumaan."

Tahimik kaming tumungo sa likod kung nasaan ang pool area at thankfully, hindi naka lock ang pintuan roon kaya dahan-dahan kaming pumasok.

When we were inside, we moved precisely, like a well-planned heist. We were aware that every second counted and that time was of importance. We retrieved my laptop, and the excitement increased. The solution to the Governor's evil plans lay in this device. Kaya kailangan naming ingatan 'to dahil ito magiging alas namin laban kay Governor.

"Bilis!" Utos ko sa kanila.

Madilim ang bahay kaya hindi namin masyadong nakikita ang dinadaanan namin dahilan para mabangga ni Gazan ang isan vase at nahulog ito at gumawa ng malakas na tunog.

"Sorry, ano 'yon? Glass?"

"Hindi, foam. Kita mo namang nabasag eh!" Iretado kong sabi.

"Anak ng teteng naman, Gazan!" Bulong ni Oliver pero ramdam ko galit sa tono niya.

"Sorry na nga eh!"

"Manahimik ka na lang!"

Nagmadali na lang kaming lumabas at bumalik sa sasakyan.

"EYYYY!"

Mukhang nag eenjoy si Gazan sa kanta ng Kpop Boy Group na Enhypen. Tuwang tuwa eh. Buti na lang hindi napupuno si Oliver sa kanya hindi tulad ni Gray na gano'n na lang ang galit kapag nagpapatugtog kami sa loob ng sasakyan.

"It's you and me in this world, hsgafsksbdk tie me!" Pagkanta ni Gazan.

"H-huh!?" Tanong ko nang hindi ko magets ang lyrics ni Gazan.

"Basta 'yon!" Sagot niya. "Stream Bite Me by Enhypen!"

Fanboy pala ang isang 'to.

Sunod-sunod ang pagpapatugtog niya ng iba't ibang Kpop Songs at tuwang tuwa pa siya. But, I must admit, Kpop song are so overated!

"Alam mo, Red, you should stan them! Magbabago buhay mo!" Pag aya sa akin ni Gazan.

"Next time, kapag ikaw na ang idol," biro ko.

"Ano magandang stage name, Lee Gaz or Gazan park?" Tanong niya.

Si Oliver ang sumagot, "Lee Bag, total libagin ka naman. Tsaka walang idol na sabaw."

Tinawanan ko na lang sila. Para silang magkapatid na nag aasaran.

Back at our hideout, the room was tense with anticipation. We gathered around the laptop, the screen illuminating our faces in an eerie glow. We knew that what we were about to see could change everything.

The Sinister's WebTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon