PROLOGUE

27.3K 182 8
                                    



Napa-punas ako sa noo ko na tumatagaktak na sa pawis habang naglilinis ng table.


"Psst!" Ang rinig kong tawag sa'kin agaran ko namang hinanap kong sino ang tumatawag sa'kin.


"Psst! Elias! Bingi ka ba!? Kanina pa ako sitsit nang sitsit uy!" Kuno't noong reklamo ni sam sa'kin.


Napa-irap naman ako. "O? Bakit ba?" Tanong ko dito. Umirap rin ito pabalik sa'kin.


"Letche, bigay mo nga ito sa table 3" saad naman niya sa'kin at ibinigay ang tray na may dalawang cup at dalawang plato ng isang hiwa ng cake.


Pinunta ko naman ito agad sa may table 3 at ginreet sila. "Welcome to happy cup po, here's your order ma'am and sir" saad ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa'kin at tumango. Bumalik naman ako sa counter dala dala ang tray.


"Nabigay mo na?" Tanong ni sam. Tumango naman ako at nilagay ang tray sa counter sabay sandal doon at pinagmasdan ang mga mag jo-jowang nag date.


"O? Bakit naka tunganga ka naman diyan?" Tanong ni sam sa'kin. Napairap naman ako sa tanong niya.


"Sarap siguro ng feeling na may isang taong magmamahal sa'yo.." saad ko dito habang nakatingin parin sa tao na kasama ang kanilang kadate ngayong gabi. Kahit gabi na nagda-date parin.


"May nagmamahal naman sa'yo ha? Ate ko madaming nagmamahal sa'yo kasama na kami ni carl diyan" saad niya dito. Agad ko naman ito inirapan at tinignan ko naman siya ng masama.


"Hindi naman kasi ganon, i mean like yung mga chupapi you know like mga date-date na 'yan never ko pa kasi naranasan 'yan" saad ko dito.


"Sus, edi ayain mo si kai" saad naman niya. Napailing naman ako.


"Ha! As if namang papayag 'yon" saad ko naman dito.


"Papayag naman 'yon." Saad niya na kinagulat ko.


"Weh?"


"Oo, kaso friendly date nga lang" saad niya sabay tawa habang ako ay inis ko naman siyang pinalo sa braso.


"Bwiset! Aalis na nga ako!" Ang inis kong saad sakaniya at bumalik sa aking ginagawa kanina. Hanggang ngayon ay rinig ko parin ang tawa ng panget na basher na 'yon.


Pinagpatuloy ko nalang ang pag ayos at linis dahik patapos rin naman na ang night shift ko, para maka-alis na ako dito dahil binu-bwiset ako ng bwiset kong kaibigan na akala mo naman ay maganda e sa totoo ay maasim naman.


Nang makatapos na ako mag-linis ay agad na akong pumunta sa staff room para makuha ko na ang mga gamit ko at magpalit na ng damit. At tapos ay lumabas na ako sa staff room dala ang mga gamit ko.


Habang palabas ako ay nakasalubong ko si kai. Agad naman akong nanigas sa pwesto ko ng napansin niya ako.


"Uy elias!" Saad niya at nginitian ako. Owemji ang pogi naman nito haha. You're so handsome my labidabs. Kung pwede ka lang halikan i will do it. Haha things i do for love talaga..


Napatigil naman ako nung bigla niyang pinitik ang noo ko. "Elias? Okay ka lang?" Ang tanong niya sa'kin. Tumango naman ako.


"Oo naman haha.." ngiting saad ko dito.


"Sigurado ka ba?" Nag aalala niyang tanong at biglaan niyang nilagay ang kamay niya sa noo ko.


"Wala ka namang lagnat pero namumula ka" saad niya sa'kin. Agad naman akong napatawa.


TAMING MR. COLD-HEARTED CEO ✔️Where stories live. Discover now