06

3.6K 93 5
                                    

TAMING MR. COLD-HEARTED CEO


ELIAS VILLANUEVA


"Eli, isa! Come here na let's eat" Sigaw ko mula sa kusina habang inaayos ang mga plato, kutsara't tinidor at baso pati narin ang ulam ay nilagay ko sa isang bowl. Pagkalingon ko ay nakita ko na si elijah at Isaiah na uupo na sa upuan. Napangiti naman ako sakanila. Halos mag-iisang buwan na mula nang makilala ko ang mga batang 'to at sadyang tama nga ako.. napamahal na ako sakanila.

"Mommy? What's our lunch po?" Tanong ni elijah sa'kin. Ngumiti naman ako habang pinwesto ang ulam sa harapan nila. "Sinigang nak, diba favorite niyo 'to?" Tanong ko. Sabay naman silang tumango habang nakangiti na kinatawa ko.

Kinuhanan ko na sila ng kain at ulam sa sarili nilang plato ba agad naman nila kinain. Natawa nalang ako sakanila at kumuha nalang ng kanin at ulam at kumain narin sa tabi nila. Maliit lang naman ang lamesa pero kasya naman ang tatlo o apat na tao dito.


"Mommy! Ang sarap naman po nito!" Natawa naman ako sakanila at pinunasan ang dumi sa mukha niya. "Dahan dahan lang kung kakain mga bhie.." natatawa kong saad sakanila.

"It's true mom.. it's delicious" saad naman ni elijah. Ngumiti naman ako dito. "Syempre, si mommy nagluto eh talagang masarap 'yan HAHAHA." sabay tawa ko namang saad sakanila.


"Ay nga pala may work pa kasi ako sa café, maiwan ko muna kayo ha maliligo lang ako" saad ko sakanila at tumayo dala dala ang plato at nilagay ito sa lababo at iniwan silang kumakain habang tumungo naman ako papunta banyo dala dala ang damit nasusuotin at tuwalya.


Nang matapos na akong maligo ay agaran kong sinuot ang aking damit at nagtootbrush, at sinuklay ang buhok ko na medyo mahaba pero hindi naman ganoon kahaba haha.. gets niyo ba? Basta 'yon na yon.


Tapos 'yon ay lumabas na ako sa banyo at nakita ang kambal na nakahiga habang gamit nila ang tablet na binili ko sakanila. Mura lang naman yung tig 1,500 lang. Tumungo naman ako sakanila para kunin ang messenger bag ko sa tabi nila.

"Oh aalis na ako ha, may gusto ba kayong pasalubong?" Tanong ko sakanilang dalawa tumingin naman sila sa'kin na may parang ningning sa kanilang mata. Ngumiti naman ako sakanilang dalawa.


"Gusto ko po ng jollibee.." rinig kong saad ni isaiah ngumiti naman ako at tumango. "Sure naman bhie! Ikaw nak ano naman gusto mo?" Tanong ko kay elijah.


"Gusto ko po ng libro po yung may puzzles.." saad niya. Ngumiti ulit ako at tumango sakaniya. "Sige mga bhie, ba-buy ko kayo ng mga gusto niyo, wait lang kayo dito ha? Nag hugas ka na ba eli?" Tanong ko sakaniya tumango naman siya at nag opo sa'kin.


Marunong kasing mag hugas sila eli at isai sa katunayan nga ay natuto na silang  tumulong sa gawain bahay kaya tuwing aalis ako ay babalik parin akong malinis ang bahay. Natuto sila sa'kin nung nagpaturo silang dalawa. Sabi ko ay kahit wag na kasi kaya ko naman kaso mapilit kaya sino pa ba ako na mag no diba? Kaya ayan marunong na sila.


"Sige na mga bhie ba-bye na" saad ko sakanila sabay halik sa mga noo nila at nag-wave na ako ng goodbye sakanila. At lumabas sa apartment at nagpatuloy na tumungo sa trabaho ko.

TAMING MR. COLD-HEARTED CEO ✔️Where stories live. Discover now