TAMING MR. COLD-HEARTED CEO
ELIAS VILLANUEVA
Mahigpit akong napahawak sa bag na hawak hawak ko ngayon habang nakatingin sa main mansion yata ng mga jones.. ay basta malaki siya, as in sobrang laki niya. Pwede na nga siya pumalit sa palasyo ng mga royal family at malacañang sa laki eh.Nakamasid lang ako sa malaking pintuan sa aking harapan, ni hindi nga ako makagalaw eh. Ni isang lakad o kahit ano wala talaga akong magalaw since nakakahiya eh, Pasensya.
"Mommy!" Ang rinig kong sigaw ng maliit na boses, at nakita ko si isaiah na masayang sumisigaw habang bumababa sa hagdanan kita ko rin si elijah na nakangiti habang sumusunod sa kaniyang kapatid.
"Mommy! Your here! Your here!!!" Ang masayang saad nito noong nakalapit na sa'kin. Napaluhod naman ako at niyakap silang dalawa ng mahigpit.
Para akong ina sa tuwa eh, para ako naging ofw tapos umuwi ako sa pilipinas at nagkita muli sa pamilya kahit isang araw lang naman kaming hindi nagkita. Jusko sis ang oa natin sa part na 'yon ha.
"Elias." Ang rinig kong malamig na boses. Napa-angat naman ako ng tingin sa boses na 'yon, at nakita ko si bosxzing na nakatingin sa'kin. Agad naman ako kumalas sa pagkayakap sa kambal at tumayo.
"Ay sir! Good morning po.." ang bati ko dito. Tumango naman ito.
"Good morning too, mr. Villanueva" ang bati nito pabalik sa'kin. Akwardong naman ako ngumiti sakaniya.
"Thank you for keeping your promise dad." Biglang saad ni elijah. Nagtataka naman akong tumingin sa mag ama. Habang ngumiti naman si bosxzing.
At jusko 'te, ramdam ko yung pag tibok ng puso ko. As in parang lalabas siya sa kilig. Sabi ko na nga ba eh, pogi talaga 'to kapag nakangiti. Aba'y jusko talaga please wag ako bosxzing. Baka ma-fall talaga ako sa'yo niyan sige ka! Marupok ako please lang.
"Mr. Villanueva? Hello? MR. VILLANUEVA?" Nagising naman ako sa katotoohanan sa biglaang sigaw ni bosxzing sa'kin.
"Ah! I love you! Ay ano?" Saad ko bigla, napatakip naman ako sa aking bibig noong na-realize ko ang aking sinabi. Anong pinagsasabi mo dai?! Nakakahiya kang bading ka!
"What did you said mr. Villanueva?" Saad nito sa'kin, napailing naman ako kaagad.
"Wala po sir! Haha nagulat lang po ako, ang dapat ko po sanang sasabihin is ano po 'yon?" Ang saad ko dito. At kita ko sa mukha ni bosxzing na hindi siya naniniwala sa'kin.
"Seriously, i can see you lying. And you know jones are good at spotting liars.." ang saad nito. Napakagat naman ako sa labi ko.
"Mom, your face is red.. are you kinikilig po?" Ang saad bigla ni elijah sa'kin. Napalaki naman mata ko at umiling ako.
"Huh? Hindi kaya, ano lang 'to bhie, init
Dahil talaga sa init kung bakit ako namumula, oo hehe.." ang saad ko dito."You're lying again mr. Villanueva" saad ni bosxzing bigla. Bayan, wala na edi alam na 'tong feelings ko kay sir.
"I'll ask you a question, do you like me mr. Villanueva?" Tanong nito sa'kin. At mas napakagat naman ako sa labi ko nito. As in sobrang kagat na feel ko du-dugo siya.