TAMING MR. COLD-HEARTED CEO
ELIAS VILLANUEVA
Ilang araw na ang nakalipas mula noong pumunta kami sa mall para mag grocery at kung saan nga may nangyaring kahihiyatnan na hinding hindi ko kayang limutin. Haha kahiya naman kasi mga beh. Dahil lang doon magkakaroon ako ng ganon!? Like? Nalaman 'yon ni sam and jusko ang panga-asar hanggang ngayon ate ko inaasar ako kaya hindi ako maka move-on sa accident na 'yon e dahil sa kaniya.
"Oy bakla! May new interview ulit si mr. Ceo! Kaso nasa work tayo, send ko nalang sa'yo after work para hindi ka naman you know.." saad nito at ngumisi sa'kin. Masama ko naman itong tinitigan
"Tss. lumayo layo ka sa'kin sam, Sinasabi ko sa'yo baka masakal kita ng wala sa oras. Sinasabi ko sa'yo" inis kong ani sa kaniya na may halo naring pag-babanta. Pero tawa lang ang natanggap ko mula sa bwiset na bruha.
Napairap nalang ako at nagpatuloy sa trabaho ko ng biglaang may nasagi akong tao na naging rason para matapon ang milktea yata nito kaya ayon. Basa nanaman ang sahig na kaka mop ko lang..
Agad naman akong napayuko dito. "Pasensya na po!" Agad kong daing dito habang nakayuko.
"Tse! Ano ba kasing klaseng waiter 'yan! Hindi marunong tumingin sa dinadaan! Paki-ayos naman po diba!? Nag babayad kami ng maayos dito." Ang inis nitong bulyaw napakagat naman ako ng labi pinipigilang lumaban pabalik sa kaniya.
Elias kalma, ayaw mo pa mawalan ng trabaho diba? Shh lang shhh.. kalma.
Tumingin naman ako sa kaniya. "Sorry po talaga ma'am." Saad ko dito.
"Haist. Mga wala na talagang respeto ang mga tao talaga ngayon." Aniya. Nakakairita ka na ate ha nag sorry na nga ako galit ka parin. Taas ng pride e. Sampalin ko ba? Ay mahal ko pa pala trabaho ko.
"Sorry na nga po.." saad ko ulit dito. Umirap naman siya at kinuha ang baso na may laman na tubig sa kalapit na table sa'min at sabay binuhos sa'kin.
Gulat naman akong napatitig. Pero dahil mahal ko nga ang trabaho ko ay hindi nalang ako lumaban o umimik at yumuko nalang ako.
"Diyan nababagay ang mga taong walang respeto.. let's call it revenge" saad pa nito. Napairap naman ako ng patago. Nakakairita naman tong babae na to. Parang nasagi lang wala na kaagad respeto tapos may pa-ganyan na siya.
Ang oa naman nito. Tinalo pa yung pinaka oa na tao sa mundo e.
"Anong nangyayari dito!?" Ang rinig kong sigaw mula sa aking likuran. Napatinigin naman kaagad ako dito.
Nakita ko si kai na ansama ng titig sa'kin? Nagulat naman ako noong bigla itong lumapit at bigla ba naman hinawakan yung waist ko!
"What is happening here." Malamig niyang saad habang masamang nakatitig sa babae. Napayuko nalang ako dito. Baka kasi makita nila yung blush on ko edi nahalata na may gusto ako sakaniya.
"This little waiter of yours, intentionally bumped into me that cause my milk tea to spill all over the floor!" Sigaw pa nito na may halong inis sa boses nito. Intentionally!? Accidentally nga diba!?
Mali mali impormasyon nitong bobitang ito ha! Pag ako nawalan ng trabaho ipapakulam talaga kita.
"Is this true elias?" Rinig kong tanong sa'kin agad naman akong lumayo dito at tinignan siya at sabay na umiling.