Chapter 1

1.5K 53 1
                                    


What happened that night..

"Ano?! Nagkabalikan na naman sila ni Vina?!" Gulat na tanong sa akin ni Avery, kaibigan ko.

Napabuntong-hininga ako at nilagyan ulit ng soju ang shot glass ko bago ito inumin. Nagguhit ang init nito sa lalamunan ko pero imbes na umayaw ako ay gusto ko na lamang uminom nang uminom until I drop de@d.

To just forget everything, once and for all.

Iinom pa sana ulit ako nang pigilan ako ni Avery kaya inis akong napalingon sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus ang mga braso.

"Alam mo, Hiro," panimula nito. "It's been 15 years simula nang magustuhan mo si Kace. You did everything you can para mapansin niya, hindi ba?"

Tumango ako.

"Kace is already an adult. Nasa working stage na kayo. Most likely, nasa isip niya na ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya. And you know how much he suffered when he broke up with Vina in high school. Tapos ngayon, nagkabalikan na sila."

Ah, I know so well. Bakit kailangan niya pang ireiterate lahat ng ito at ipamukha sa akin na wala na talaga akong aasahan pa kay Kace?

"You're not in a movie where somehow, in a series of events, magugustuhan ka pabalik ng childhood crush mo. Wake up, Hiro. Ang daming lalaki sa mundo," she irritatingly said and drank the alcohol in my glass. She took a peek on her watch before standing up, "For sure hinahanap na ako ng asawa ko. Ihatid na kita. Lasing ka na."

Marahas akong umiling at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. "Kaya ko umuwi mag-isa," pagpapaalam ko at inunahan na siyang umalis sa tindahan.

Naparami ata ako ng inom kaya hindi na masyado malinaw ang dinaraanan ko. Maybe I'm too drunk, somehow I can see silhouettes of kids playing around this late at night.

"Kace, alam mo ba, sabi ni Mama, dapat daw yung pinakamamahal ko sa mundo yung papakasalan ko kapag tumanda na ako," sabi ng batang lalaki sa kaibigan niya.

"Eh, sino pinakamamahal mo?" Nalilibang na tanong ng kaibigan nito.

"Ikaw!" Duro ng batang lalaki sa kaibigan at bahagya pang hinawakan ang kamay nito. Nagulat naman ang lalaki sa aksyon ng bata.

"Sira! Sabi ni Papa, babae at lalaki lang ang dapat magpakasal. Bawal lalaki at lalaki, 'no!" Tatawa-tawang asar nito ngunit hindi bumitaw ang bata na tila magsisimula nang umiyak. "Hoy, iiyak ka ba?"

"Ayaw mo ba sa 'kin, Kace?" Nagsimula nang umiyak ang batang lalaki kaya agad naman niyakap ito ng kaibigan.

"Hindi, hindi, siyempre hindi," pagpapatahan nito. Kita sa mukha nito ang taranta kaya natawa ako. "Sige, sige, hindi ako maniniwala kay Papa. Kung ako pa rin pinakamamahal mo pagtanda natin, magpapakasal tayo, okay?"

Tumahan na sa pag-iyak ang bata at malawak na ngumiti. "Okay!"

I shook my head when it suddenly throbbed. Bakit bigla ko na naman naalala yung nangyari dati? That was just kids playing around. There's no weight in their words yet. Pinanindigan ko, though.

As I walked back home, I came by the convenience store and bought three cans of beer. Nang makauwi na ako ay binuksan ko na rin ang TV at ininom ang mga binili ko.

Tama si Avery. This time, I should really stop. I'm already 24 years in age, I should put an end to being chained by the past 15 years and move on.

Yeah, there are plenty of guys out there. Though for now, it still can't be helped that they all look like people with squid faces. Of course, I tried to hook up with a bunch of strangers I met online, but they all sucked. It was a horrible experience so I stopped. There are still some clingy pushy b*stards though that kept reaching me out to have another 'night' with them.

I Accidentally Hit on my Crush's Brother (BL Series: 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon