Chapter 9

744 33 8
                                    


"Anong pangalan no'ng transferee na 'yon?" Kade's curiosity broke into my narration, and I found myself hesitating.

Si Kace, kapatid mo.

Alangan namang sabihin ko 'yan.

I better not tell him, for sure, masasaktan siya. He would realize how ridiculous our situation was and how I dragged him into this mess. It would just complicate things. Best to keep that for myself.

"Secret," tanging tugon ko na lang. Mas lalong humaba ang nguso nito kaya tinawanan ko na lang siya sabay haplos ng buhok niya. Agad naman itong napangiti at hinigpitan pa ang yakap sa mga binti ko.

Hindi ko alam kung paano umabot sa punto na 'to pero habang nagkekwento ako, papalit-palit ng pwesto si Kade na tila hindi mapakali. Hanggang sa kumuha na lang siya ng karton sa gilid at inilapag ito sa harapan ko bago umupo rito. Nagtaka ako no'ng una pero nang magpacute ito sa akin, napagtanto ko na gusto niyang ihiga ang ulo niya sa hita ko. Hinayaan ko na lang siya.

"Ang lambot ng hita mo, lalaki ka ba talaga?" Kade mumbled with his eyes closed, as he nuzzled his face against my thigh like a contented cat.

I playfully pinched his cheek, earning a small yelp from him. "Hindi ka ba nakakaramdam ng hiya sa mga kalokohang pinagsasabi mo?"

He pouted slightly and shook his head. "Hindi. Ba't pa ako makakaramdam ng hiya ngayong napagdesisyunan ko nang ipakita sa 'yo lahat-lahat tungkol sa akin? My habits, hobbies, flaws, imperfections, talents, and everything about me. Kapag tayo na, we have to be transparent with each other, 'di ba, Kuya Hiro?"

I glanced away momentarily, feeling a mix of emotions. Kade's sincerity and openness touched my heart, and I found myself drawn to him even more. "S-Sigurado ka na bang magiging tayo?"

Kade gently guided my hand down from his head to where his hand rested on my thigh. He pressed a soft, lingering kiss to the back of my hand, and my heart skipped a beat. It was a simple gesture, but it held so much meaning.

Saan niya natutunan 'tong mga galawan na 'to? Sobrang epektibo.

"Why not?" Kade's voice was filled with conviction, and his eyes held a sincerity that was hard to deny. "Kahit ilang beses mo pa ako taguan, pagtabuyan, o sabihan ng masasakit na salita, I'll stay. That's how much I love you, Kuya Hiro," he said sweetly, his fingers intertwining with mine.

Sh-t, I'm really, really in danger zone. Ganito ba ako kabilis akitin? Ganito ba ako kabilis kunin?

Hindi ko alam.

All I know is that I am currently enjoying the storytelling and these little gestures he makes, as if he was reminding me throughout that even though I had my first love, he's still there, waiting for me to accept him in my life, as a lover.

"Oh, tapos ano na nangyari sa pisteng batang 'yon?" Tila naiinis na usal nito. "Tsk, ba't kasi nauna si Kace naipanganak ni Mama. Edi sana kaklase rin kita noon. Malay mo, sa 'kin ka pa na-fall?" Taas-babang kilay na pang-aasar nito.

"Sira," I retorted with a chuckle, playfully rolling my eyes. My gaze shifted to the road ahead, and a wave of nostalgia washed over me. Memories of Kace and I being inseparable came flooding back, and I couldn't help but let out a soft sigh.

Simula no'ng araw na 'yon, tinanggap ko na nang buo si Kace sa buhay ko. Hindi ko na siya ipinagtabuyan, imbes tuwang-tuwa pa ako na nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Noong sampung taong gulang na ako, nawalan ako ng mga magulang. Traffic accident. Overnight, tuluyan na akong mag-isa sa buhay. Mabuti na lamang, sa sobrang bait ng mga magulang ni Kace, napagdesisyunan nilang gampanan ang role bilang mga guardian ko. Dahil doon, mas naging malapit kaming magkaibigan ni Kace.

I Accidentally Hit on my Crush's Brother (BL Series: 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon