Chapter 19

646 26 16
                                    


[KADE'S POV]

"Kuya Hiro?"

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto bago tahimik na pumasok sa kwarto ni Kuya Hiro. Napangiti naman ako nang bumungad sa akin ang amoy niyang mabilis na nagkalat sa kwarto.

Kung pwede lang, sa kwarto ko na lang manirahan si Kuya Hiro para palagi ko siyang maamoy kahit sa pagtulog, pati na rin sa paggising.

Para akong dvdvguin sa ilong kapag iniisip ko pa lang na magkatabi kami matulog tapos nakapatong 'yung ulo niya sa braso ko habang yakap-yakap niya 'yung bewang ko.

Though nangyari na 'yon, siyempre mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag may label na.

When kaya?

Nang makarating na ako sa kama nito ay nakita kong mahimbing ang tulog nito habang mahigpit na yakap-yakap ang unan. Tahimik akong umupo sa tabi nito at pinagmasdan ang itsura niya.

"I love you, Kuya Hiro," nakangiti kong saad at lumapit sa kaniya para halikan ito sa noo. Napabalikwas pa ako ng upo nang biglaang kumunot ang noo nito.

"Hmm." Bahagya pa siyang napangiti at nagpalit ng pwesto ng pagkakahiga.

Cutie.

Nakahinga naman na ako nang maluwag nang magpatuloy pa rin ito sa pagtulog. Akala ko na kung naistorbo ko siya. Tiyak na pagagalitan niya ako. Minus points 'yon, 'no.

"Lulutuan kita ng paborito mo. Wait ka lang, Kuya Hiro," pagpapaalam ko sa kaniya at maingat na lumabas ng kwarto niya.

Inutusan ako ni Mama na mamalengke sa bayan. Apparently, kinulit niya 'yung may-ari ng restaurant kung pwede raw ba makiluto sa kusina nila. Siyempre hindi na muna pumayag 'yung may-ari pero gaya ng pagkakakilala ko sa kaniya, hindi siya nagpatinag at kinulit niya ito nang kinulit hanggang sa napapayag niya.

Hindi na ako magtataka kung magreklamo 'yung may-ari sa nagmamanage ng beach resort na ito.

"Meatballs, meatballs. Different dishes of meatballs. Meatballs, meatballs, meatballs for my Hiro~" kanta ko habang masayang naglalakad palabas ng resort.

Ba't ako mahihiya? Alas sais pa naman ng umaga, wala pa masyadong gising sa mga oras na ito.

Wait.

Okay na rin para madiscover nila talent ko.

"Hmmm~ hmmm~ Hir-" Napatigil ako nang biglang makarinig ako ng ingay mula sa 'di kalayuan. Bigla ako nakaramdam ng hiya, baka narinig nila pagkanta ko.

Sikreto ko lang 'to pero may pagkachismoso ako kaya imbes na iwasan sila, maingat akong naglakad malapit sa pwesto ng ingay. Sumandal na muna ako sa pader at bahagyang sinilip 'yung nag-iingay ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Kace ito at...

"Ate Vina?" Mahinang usal ko habang gulat na gulat na nakasilip sa kanila. Mukhang kararating lang nito sa resort dahil may hawak-hawak pa itong maleta.

Wait.

Hindi ba ibig sabihin nito...

Hindi na niya kukulitin si Kuya Hiro?

I Accidentally Hit on my Crush's Brother (BL Series: 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon