"Hiro, kapatid ko nga pala."Napalingon ako sa batang nasa harapan ko at lumuhod para pantayan ang taas niya. Ito pala 'yung nakababatang kapatid ni Kace. First time ko lang siya makita. Sabi ni Kace sa 'kin, tatlong taon ang pagitan namin. Since 9 years old ako, ibig sabihin 6 pa lang siya.
Inosente lang itong nakahawak sa kamay ni Kace habang tinititigan ako na may bakas ng pagtataka sa mukha.
Inilahad ko ang kamay ko at matamis na ngumiti sa kaniya. "Hello, kiddo. I'm Hiro. Anong pangalan mo?" Mahinhin kong tanong sa kaniya.
"K-Kade po," nahihiyang tugon nito bago hawakan ang kamay ko. Marahan naman akong nakipagkamay sa kaniya.
"Huwag kang mahiya sa 'kin, Kade. Hindi ako nangangagat," pagbibiro ko sa kaniya. Nagtakha na lang ako nang hindi siya umimik. Tinitigan niya lang ako habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay ko na hanggang ngayon hindi pa rin niya binibitawan. Binalingan ko ng tingin si Kace at binigyan siya ng nagtatakhang tingin.
"Ewan ko?" Nagkibit-balikat ito.
Binalik ko ulit ang tingin kay Kade at ngumiti. "Bakit mo 'ko tinititigan? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko. Marahan siyang umiling bago idampi ang palad niya sa pisngi ko. Bahagya pa akong nagulat sa aksiyon ng bata.
"Ang ganda mo po kasi, Ate. Para kang prinsesa," tila namamanghang tugon nito habang hinahaplos pa rin ang pisngi ko. Nag-init naman ang ulo ko dahil sa sinabi nito. Narinig ko pang bumungisngis si Kace.
Anak ng..
Magkapatid talaga sila.
Kahit nagtitimpi ng galit ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya. "Kade, lalaki ako, okay? May birdie rin ako katulad niyo ni Kace. Hindi ako 'ate', hmm? 'Kuya Hiro' dapat ang tawag mo sa 'kin," mahinay kong saad.
Napanganga naman ito na tila 'di makapaniwala sa sinabi ko. "Nagsisinungaling ka po ba sa akin? Kahit kanino ko pa po itanong, babaeng-babae po itsura mo," nagtatakang ani nito. Inosenteng napapikit-pikit pa ang bata at pinatagilid ang ulo nito.
Mariin akong napapikit at sinamaan ng tingin si Kace na kanina pa tawa nang tawa. Napatigil naman ito agad nang makita niya akong nakatingin sa kaniya at dali-daling hinarap si Kade.
"Kade, lalaki talaga si Kuya Hiro, okay? Hindi siya nagsisinungaling. Tingnan mo, parehas kami ng uniform," pagpapaliwanag nito at tumabi ako sa kaniya para ikumpara 'yung suot-suot naming dalawa.
Napatango-tango naman ang bata at nahihiyang napakamot ng batok bago bumaling sa akin. "Sorry, Kuya Hiro. Hindi na po mauulit," pagpapaumanhin nito. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya.
"Ayos lang."
'Yon din ang unang beses na pumunta ako sa bahay nila Kace. Ang bait-bait ng mga magulang niya. Pinakain nila ako ng maraming-maraming pagkain, iba't ibang klase pa. Mas marami pa akong nakakain sa bahay nila kay sa 'min. Palagi namang wala sina Mama at Papa sa bahay kaya palagi akong mag-isa.
"Hiro! May ibibigay raw sa 'yo si Kade," excited na saad ni Kace at sakto namang nabaling ang tingin ko Kade na sinisipa-sipa ang binti ng kapatid na tila napipilitan lang itong lumapit sa akin.
"Hindi nga 'to para kay Kuya Hiro!" Asar na sigaw nito habang patuloy pa ring sinisipa si Kace.
Lumuhod naman ako at pinantayan ang taas niya. "Anong ibibigay mo sa 'kin?" Mahinay kong tanong sa kaniya. Sinamaan niya muna ng tingin si Kace bago bumaling sa akin. "Hmm?" Matamis ko siyang nginitian.
"G-Ginawan po kita ng cookies.." mahinang usal nito habang nakayuko. May kinalikot ito sa bag niya at marahang inilahad sa akin. Agad ko naman 'yon kinuha.

BINABASA MO ANG
I Accidentally Hit on my Crush's Brother (BL Series: 01)
Romance[WARNING: MATURED CONTENT AHEAD. NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG AUDIENCES AND CLOSE-MINDED PEOPLE. READ AT YOUR OWN RISK.] [UNEDITED] [Written in TagLish] Hiro David, a freelance writer, was in love with his childhood best friend Kace Aleja for 15 year...