Chapter 16

630 25 25
                                    


Nandito.. si Kace?

Mariin kong hinigpitan ang pagkakahawak sa bag ko habang naglalakad papunta sa pinagbibilhan ni Kade ng inumin namin. Habang naglalakad ako, parang lumilipad ang utak ko sa kung saan.

When I heard that Kace surprisingly came, I suddenly got all nostalgic, my heart raced, and I couldn't wait to see him. Nagsisimula na naman ang pagiging overthinker ko.

Gaya ng sinabi ko kanina, magkaibigan kami kaya normal lang na ma-miss ko siya at gusto ko siyang makita, but I remembered and realized that I was in love with him for more than a decade and just unexpectedly moved on for six months. Ngayon, napapaisip tuloy ako kung talagang wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

In Kace's absence, Kade's continuous displays of affection caused my emotions for him to slip from my mind. But now I wonder, what if upon reuniting with Kace face-to-face, all those dormant feelings were to surge back, overwhelming me once more?

Why did... I have to overthink something like this?

Am I..

Am I still... ?

"Ba't hindi pa gumagalaw pila? Kanina pa ako nandito, nakakainis naman."

"Sino ba 'yang nasa harapan ng pila? Ang tagal!"

"Nakikita mo 'yung nasa unahan? Grabe, ang pogi."

"Exactly my type."

Nabalik na ako sa huwisyo nang marinig ko ang mga reklamo sa kung saan. Nilibot ko ang paningin ko at nagulat nang makita ko ang isang sobrang habang pila. Halos lahat na ng nakapila ay napapakamot na ng ulo, may nakaupo sa sahig, may nagrereklamo, at may mga kinikilig ding sumisilip sa kung saan.

When I looked at the stall's name, I realized it was the place where I asked Kade to buy drinks from. Based from the reactions of the people in the queue, and the way my suitor was taking too much time, I realized he must be the center of this commotion.

Naglakad ako papunta sa pinakaharap ng pila at hindi nga ako nagkakamali.

"Sir, hindi pa po ba kayo nakakapagdecide? Mahaba pa po kasi pila, Sir. Nagagalit na rin ibang customers," kinakabahan nang tanong ng vendor.

Nakatingin pa rin si Kade sa menu at mahinang patalon-talon na rin sa taranta. "Teka lang, Miss."

Nakita ko pang pumikit na sa inis ang vendor kaya napatakip ako ng bibig at mahinang natawa. Hindi ko na muna lalapitan si Kade, nacurious ako kung anong gagawin niya.

"Sir, pwede po bang tumayo na muna po kayo sa gilid para kunin ko na rin orders ng iba? You're disrupting our business, Sir," she said as she used her business smile, but her twitching eyebrows couldn't lie.

"Teka lang, Miss, okay? Ba't po ba kasi ang daming pagpipilian dito, ang hirap tuloy pumili," reklamo pa ni Kade habang taranta pa ring nililibot ang tingin sa menu. Napanganga na lang ang babae at ikinuyom ang kamao.

Wow, ang Kade namin. Siya na nga may mali, siya pa nagreklamo.

"Kuya, pwedeng kami na muna mauna? Kanina pa kasi kami rito naghihintay. Hindi lang po ikaw ang customer dito." This time, 'yung taong nasa likuran naman ni Kade ang nagsalita.

"Malapit na talaga, promise," sagot muli ni Kade nang hindi pa sila binabalingan ng tingin. The customer looked offended by the way Kade reacted kaya lumapit na ako bago pa man magkaroon ng eskandalo rito.

I Accidentally Hit on my Crush's Brother (BL Series: 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon