Toni's POV
Hai ano ba namang buhay to oh, sa lahat ng pwedeng maging seatmate e eto pang ungas na to. Bwisit talaga!
"This will be a long and interesting semester." hirit niya at sa sobrang frustrated ko e hindi ko na lang siya sinagot.
Natapos naman ang subject na yun at pareho lang kaming tahimik siguro nakaramdam din tong mokong na to na ayoko ng kausap. At dahil kay Mrs. Lorenzo lang naman yung seating arrangement na yun e dali dali akong tumayo at lumapit kay Ella.
"bessy, kamusta na-miss mo naman ako agad?" sabi sakin ni ella.
"heh! irita lang ako sa seatmate ko." tugon ko sakanya.
"alam mo bessy mabait naman yang si Lucas, playful lang talaga lalo na sa girls. sabi naman ni Kevin seryoso naman daw siya when it comes to girlfriends." paliwanag nya.
"alam mo ella, kahit ano pang trip niya sa buhay e wala akong care." sabad ko naman.
at bigla naman sumulpot tong si Kevin sa tabi ni ella at niyaya kaming kumain dahil 1 hour bago ang next subject namen.
"ella, kain tayo treat ko sge." sabi ni Kevin at siya naman tingin sakin ni Ella na para bang nagpapaalam.
"ah e, wala kasing kasama si Toni e. Pasensya ka na Kevin ha?" sabi naman ni ella na halatang gustong sumama sa binata.
"ano kaba sino bang nagsasabing iiwanan naten si Toni, syempre sasama siya classmate naman naten siya e." sabi ng binata sabay kindat.
"ohh tara na gutom nako e." sabay hila saken nitong si Ella.
"oo nga pala susunod din yung si Lucas kinuha lang excuse slips namen kay coach." sabay ngisi niya.
Talaga naman oh, di na ba matatahimik itong buhay ko? kung di lang to manliligaw kay ella e kinutusan ko na to e.
Habang kumakain kami ay dumating na tong si Mr. Yabang aka Lucas. Ayun the usual mahangin pa rin.
"Hai sobrang init! oh Kevin, eto excuse slip mo. May training pala tayo mamaya." sabi nito kay Kevin. "oh andito pala si Ms. Sungit." bati ko at sabay inirapan ko.
"Ella, i have to go may practice pako." paalam ko sa bestfriend ko at tapik ko sa balikat ni Kevin. At mabilis na akong umalis para di makita si Lucas.
----------------------------------------------------------------------------------
Lucas POVAs usual ganito nanaman ang encounter namen ni Sungit.
"Ella, ano ba yung kaibigan mo na yun parang laging may dalaw sobrang masungit." tanong ko dito kay ella.
"ano kaba ganun lang talaga yun defense mechanism nya yun lalo na may kasalanan ka sakanya." sagot nya.
"hai ayaw magmove on? isa pa last week pa yun e." sagot ko.
"naku move on mo face mo, di ka naman nagsosorry kasi e." ngisi ko sakanya
At eto naman ako napaisip, eh ano naman kung di ako nagsosorry?
---------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomansaMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."