Twenty: Alone

24 0 0
                                    

Lucas POV

Nagising ako sobrang pawis na pawis ko. Pagising ko agad kong tinignan yung phone ko. It just around 5 am. May gumalaw din sa may side ko nakita ko ang puyat na itsura ni Toni. Hinawakan niya yung noo ko tsaka yung leeg ko.

"Gutom kaba? Kelangan mo ba ng tubig?" tanong niya sa akin.

"ikaw nagbantay saken magdamag?" tanong ko sakanya.

"uhm oo, pero dumaan kuya mo dito kagabe tsaka si Kevin." sabi nya sa akin.

"ahh Toni, thank you." sabi ko sakanya.

Ngumiti siya sa akin atsaka ako sinagot.

"you're welcome, next wag kasing maligo sa ulan."  atsaka sa lumabas ng kwarto.

I checked my phone para tignan mo kung may nagtext. Hinanap ko yung pangalan ni Andrea pero ni text or missed call, wala. Maybe wala naman talaga akong halaga sakanya.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko Toni na nagluluto ng soup. 

"Oh bat lumabas ka kaya mo naba?" tanong niya sa akin.

"uhm, yeah kaya ko na tumayo." sagot ko sakanya. At umupo ako may counter. Hinainan niya ako ng soup.

"Kain na para makainom ka ng gamot." sabi niya.

Habang kumakain ako naglilinis siya sa sink. Bigla akong napatanong sakanya.

"Nakamove on ka na ba kay kuya?" tanong ko sakanya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at humarap sa akin.

"Wala akong dapat i-move on or i-let go sa kuya mo dahil di naman naging kami and he has no idea what I was feeling about him." sagot niya

"was?" tanong ko dahil naguluhan ako.

"oo was, past tense. I realized na siguro I was just inlove on the fact that he was my dream guy. Na he is the right guy for me but when I saw him now, he's not the guy I fell in love with 6 years ago. Iba na siya though he still have the same attitude." paliwanag niya sa akin. "you see, ang lahat ng tao pwedeng magabo, just like our feelings, they wont be the same 6 years ago, lalo na matagal silang nawala." dagdag pa niya.

"so maybe I am not really inlove with Andrea? ganun ba?" tanong ko sakanya.

"actually, ikaw lang makakasagot niyan." sagot niya sa akin at tinalikuran ako.

"and are you still willing to destroy your family? mahal ka ng kuya mo. He was here yesterday kahit na may ooperahan pa siya nun para lang turukan ka ng gamot." dagdag pa niya.

Nagulat ako, is kuya actually come running when I needed help?  I grew up not needing anybody. Dad was busy at work, while mom does not care and my siblings are somewhere far.

"sana you knew how worried he was for you. he actually thinks na kaya kitang alagaan na kailangan kong palambutin yung puso mo. Sana you knew how much he cares for you and yet kaya mong magiisip na saktan siya." sabi niya at agad siya lumabas ng condo ko. And there I was left alone. Am I really that bad? Maybe tama si Toni I just feel the same as her towards Andrea. Ayaw ko magconclude unless I feel it myself.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon