Toni's POV
Napansin ko na wala sa sarili itong Lucas habang nagddrive. Naisip ko naman baka puyat lang. Agad naman kaming nakarating sa apartment namen. At bago pa ako nakababa e sinalubong ako agad ng dalawang kong kaibigan.
"Bessy, di ka umuwi kagabe kayo na ba?" nagulat ako sa tanong nila.
At sa gulat ko hindi ko na lang alam kung ano bang magiging reaksyon ko.
"Saan niyo naman yan nalaman?" tanong ko sa kanila. Sabay tingin kay Lucas pero umiwas siya ng tingin.
"Bessy, kalat na kalat na sa Facebook na kayo na." sabi sakin nung dalawa na kilig na kilig pa.
Tumingin talaga ako kay Lucas pero bigla siyang sumakay sa kotse niya at umalis.
"ayy ano nangyare dun?" tanong ni Max saken.
"sana mabunggo yung bwisit na yun." sabi ko sakanya at pumasok na ako sa loob.
Pilit akong kinulit nung dalawa kung anong meron samen.
"Bessy, ano naba kayo naba?" tanong sakin ni Ella.
"Ella, hindi kami. Tinulungan lang niya ako kahapon kasi lubog yung daan on the way dito. Ayaw naman nya akong pagstayin sa hotel ng magisa kaya sinama niya ako sa condo niya. And then yun lang.
"Bakit sabi niya sa facebook na kayo na. May post pa nga siya e." sabi ni Ella. Tapos inabot sa akin yung cellphone niya.
"Together with my Girl. <3" at nakita ko na may picture pa ako habang tulog at yun yung caption.
Sobrang nagulat ako. Buti nalang hindi ako nakanganga kundi lagot talaga sakin itong si Lucas. Kokotongan ko talaga siya pag nakita ko siya.
"Kung di kayo bat may ganito kasweet na post?" Singit ni Max habang ang laki ng tawa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lucas' POV
Sumakay na lang ako kanina sa sasakyan dahil alam kong magaaway na naman kami ni Toni. And I'm sure by this time nakita na niya yung pinost ko sa fb.
Habang nagddrive ako binuksan ko yung cellphone ko. At pagbukas ko bumungad sakin ang picture na kinuhanan ko kagabe habang tulog si Toni para sa alibi ko na kami na. Sobrang peaceful niyang nakikita habang tulog kitang kita ko lahat ng features niya. She has soft features and looks like an angel sleeping.
Habang nagddrive ako may nagtext saken. Si kuya.
"Lucas, dumaan ka ng bahay. Andito na si ate."
--Jacob
Bigla akong napa U-turn dahil kukulitin lang ako ng mga yun pag di ako pumunta dun.
Pagdating ko ng bahay agad akong sinalubong ng mga kapatid ko at ni Papa.
"hey bunso, I missed you!" yakap sakin ni ate. "gwapo mo na ahh?" dagdag pa niya.
"oo binata na talaga, may girlfriend na nga e." hirit pa ni kuya jacob.
"talaga? naku I need to get to know her." hirit din ni ate.
"oh andito kana pala." narinig ko ang boses ni daddy.
"oh hi dadd!" sabi ko sakanya.
"my girlfriend ka na? wow that's totally new." hirit niya.
"and she looks nice" singit ni ate at pagkakita ko nagccheck pala ng fb niya.
Pag naiisip gusto ko ng magtago gigyerahin ako sigurado ni Toni.
Biglang nagriring yung telepono ko. Pagkakita ko si Toni nga ang tumatawag. Nagexcuse ako sandali kila dad.
"will just answer the call, boyfriend duties." sabay kindat ko.
Sinagot ko yung phone at naririnig ko na ang sigaw ni Toni, naiimagine ko na umuusok na ang ilong nya sa galit.
"ano bang pumasok sa kokote mo at ginawa mo ang kalokohan na to ha? ang alam ko hindi pa tayo friends sa fb." singhal niya.
"ah e, hiniram ko fone mo kagabi wala palang password ayun ako na mismo nagaccept sa sarili ko sa friends list mo. wag kang magworry wala akong ibang pinakelaman dyan." paliwanag ko.
"kung eto ang way mo para mapapayag ako sa gusto mo, well no way." hirit niya.
"well ano bang dapat ko pang gawin, e alam na ng lahat na tayo na." sagot ko.
"bwisit ka talaga Lucas, pag nakita kita lagot ka saken!" sigaw niya, napatawa naman ako dahil sobra ko siyang naasar.
------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."