Lucas POV
Kagagaling ko lang sa apartment nila Toni at dinalhan ko siya ng breakfast para sana maging okay na kami pero kahit ata maging nice ako sakanya wala pa rin talaga. Tamang tama may gym session kami ngayon nila Josh at dun na ako dumiretso.
"oh late ka ngayon bro, dont tell me galing sa mga chicks mo?" tukso saken.
"hindi galing ako kila Toni para sana makipagayos dahil sa natalsikan ko siya nung putik nung isang araw pero parang di ko naman siya mapaamo sa pagging mabait. Nakakabwisit!" dabog ko habang nililift ko ang weights na buhat buhat din ni Josh.
Tawang tawa itong si Josh. Nilabas ko lahat ng frustration ko.
"alam mo mabait naman ako gusto ko siya maging kaibigan pero itataboy lang ako? Kung ibang babae nga halos pumalupot na sa akin para mapansin ko e siya kulang na lang tirisin ako pag nakikita ako." sani ko habang umisang pang round pa ako ng pagbubuhat ng weights.
"alam mo bro, hindi naman ibang babae tong si Toni e. Siya kasi tol yung di papansin, ordinaryo lang ang buhay na gusto at tahimik lang." paliwanag ko.
"bakit alam mo yan? ahh basta kung ayaw nyang daanin ko siya sa maayos na paraan dadaanin ko siya sa on the rocks." saad ko.
"kala ko tol susuko kana e." sabi ni Josh.
"tol, aguilar to! lahi kami ng di sumusuko." yabang ko pa kay Josh.
"sge tignan naten saan ka dadalhin ng lahi mo." tukso nitong si Josh.
At may biglang tumawag sakin. Si Jacob.
-------—--------——--------------------------------—--------------------Toni's POV
Nakakainis talaga yang si Lucas. Sobrang nakakafrustrate siya. Ewan ko ba diko mapigilan na hindi magsungit sakanya dahil sobrang taas ng tingin sa sarili at sobrang yabang daig ba ang hangin na dala ng bagyo.
Ako nalang ang natira dito sa apartment dahil lumuwas sila ng probinsya. Ako naman dahil sa America sila Mama at Papa ako na lang ang nandito sila Lolo naman kasi nasa Cebu napakalayo. Sobrang naiinip nako. Hanggang sa napagpasyahan ko magpunta sa mall mamili ng ingredients sa bago kong recipe na ihahanda tapos mamimili na rin ng bagong damit. At habang papunta ako sa mall gamit ang sasakyan ko na regalo nila papa saken nung gumraduate ako nung highschool sa mga ganitong bagay ko lang siya magagamit dahil malapit lang naman school sa apartment namen. Habang nagddrive ako naalala ko si Jacob siya noon ang class valedictorian noong highschool kaya sobra ang paghanga ko sakanya. Dahil matalino, gwapo, gentleman at mabait total opposite nitong si Lucas. Teka nga bakit ba nasingit Lucas sa usapan. Haiist. Si jacob nun ang president ng student council at dahil 2nd year palang ako noon kaya sinikap kong maging president ng class namen dahil balita na every friday nagpapameeting siya. Lagi namen siya noon kabiruan at kasama kaya lalo akong naattract sakanya naging magkaibigan kami at lalong nahulog loob ko sakanya pero tingin ko siya sobrang focused sa studies na di sumagi sa isip nya ang magkagusto sa iba. Pero ako gustong gusto ko siya na kahit ako lang ang may gusto sakanya e ayos lang. Kahit one sided love lang. Simula nung graduation nila nalaman ko na pumunta pala siya ng New Zealand para doon kumuha ng medicine at umalis siya ng biglaan kundi pa ako nagtanong sa Vice pres noon ng council ay diko pa malalaman. Ngayon kaya kumusta na siya, babalik pa ba siya or kung naabot nya na ba yung pangarap nya? Hai hanggang ngayon kasi siya pa din ang gustong gusto ko kahit alam kong malabo naman na magustuhan niya ako. Nakapark na ang sasakyan ko at papasok nako ng mall at nagulat ako sa nakita na kapapasok lang ng mall. Si Jacob at may kasama siyang lalake. Si Lucas? Kaano ano nya si Jacob?
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."