Toni's POV
Papasok ako ng Kitchen Lab at nakasalubong ko si Lucas pero hindi niya ako pinansin kakausapin ko sana siya pero mukhang malalim ang iniisip niya at tuloy tuloy lang siya naglakad.
"oh napano yun?" tanong ko kay Josh.
"may period." seryosong sagot tas biglang tumawa
"last mo na yan." hirit ko kay josh na natatawa rin.
"yun? may problema lang yun. matanda na siya kaya na niya." sabi ni Josh. " ay uuwi pala akong maaga, okay lang ba?" dagdag pa ni Josh.
"oo okay lang naman." sagot ko.
----------------------------------------------------------------------------------
Lucas POV.
Sobrang nakakafrustate na tong nangyayare. Diko na alam gagawin ko. Ang hirap pumili. At may biglang tumapik sa akin. Si Kevin.
"oh pare! tindi ng busangot mo jan ah?" tanong ni Kevin.
"pare, andrea is back." tipid na sabi ko.
"tapos fiancee nya na yung kuya mo?" dagdag niya.
"tangna, bat alam mo?" tanong ko.
"si josh una mo ba naman sasabihan e chismoso pa yun sa mga babae." sabi ni Kevin.
"nga pala, uuwi nako. may bagyo daw na dadating tol, di ka pa ba uuwi. halos naguuwian na mga estudyante dito."sabi sakin ni Kevin pero tila kahit ano pang sabhin niya wala akong pakealam.
Umalis na si Kevin at eto nagstay pa rin ako locker room namen. At naisip kong umuwi na para matulog dahil naramdaman ko na ang malakas na hangin at ulan na kahit kanina pa bumagsak e wala akong pakialam. Lumabas ako ng locker room at papunta na ako sa parking lot ng may mapansin akong babae na kausap yung guard na tila di mapakali. At tama nga ako si Toni yun. Lumapit ako.
"oh toni, di kapa ba uuwi?" tanong ko pero di niya ako pinansin.
"ayy ser, kanina pa nga ho andito yang si maam e, kaso lubog na doon sa daanan ng apartment nila. mataas na ho ang tubig." paliwanag nung guard at tahimik lang itong si Toni.
Tingin ko pagod na rin siya pero wala lang siyang magawa dahil sobrang lakas na ng ulan talaga at wala ng ibang tao sa labas at wala ng masasakyan.
"gusto mo sumama saken tulungan kita makauwi." sabi ko sakanya.
"hindi na, antayin ko na lang tumila yung ulan at baka humupa na rin yung baha." sabi niya.
"alam mo kahit anong gawin mo diyan baka bukas kapa makauwi kita mo, wala ng madaanan at wala kang masasakyan." pilit ko. tigas talaga ng ulo.
"ayy maam sge na sumama kana kay ser baka ho abutin pa kayo ng umaga dito." at kinukumbinsi naman na rin siya ni manong guard.
Tila nagisip pa itong si toni.
"osige sasama na ko sayo Aguilar." ang sabi niya.
Ngumisi ako.
"teka kunin ko lang yung kotse ko." at kinuha ko yung kotse ko agad sa parking dahil baka abutin na rin kami ng baha.
-------------—----------—----------------------------------------------------
Toni's POV
Wala akong choice sumama ako kay Lucas. Andito kami ngayon sa sasakyan niya. Sinabi ko sakanya kung nasaan yung apartment namen at naghahanap pa rin kami ng ibang madaanan. Lumalakas na ulan at halos di na namen makita.
"toni mukhang wala na talagang madaanan. wala kang ibang mapupuntahan?" tanong niya sa akin.
Wala akonng choice kundi maghotel. Wala naman akong ibang mapupuntahan dahil umuwi sa probinsya si Max at Ella.
"ah-eh wala e. wala kasi akong ibang kamaganak na nandito." sabi ko at nahiya. "maghohotel na lang siguro ako." sabi ko sakanya.
nakita ko biglang nagisip pero di siya sumagot agad.
"hindi pwede, ikaw lang magisa? sumama ka sakin sa condo ko." sabi niya sa akin at nagulat ako. At siya diretso lang ang tingin.

BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."