Lucas' POV
Nakakabadtrip talaga yung hambog na yun. Ang kapal niya talaga tapos hinihingi pa niya yun number ni Toni kala mo sobrang gwapo niya. Nagwalk out ako dahil sa inis. Wala na akong pakyalam kung magtaka man sila. Paglabas ko nakasunod pala yung dalawa saken.
"oh bro, nyare?" tanong ni Kevin.
"tangina nun, dinaig pa yung buhawi sa sobrang hangin." reklamo ko.
"naman! kanina pa siya bago magsimula yung contest nagaattempt na." dagdag ni Josh.
"eh bat may walk out scene na nagaganap naman? selos ka ba?" tukso ni Kevin.
"hindi no, badtrip lang talaga ako!" pilit kong tanggi.
"alam mo bro, bata pa lang tayo alam ka na namin. kaya wag kana magdeny." hiniritan pako ng isa ni Josh.
"pwede ba? tigilan nyo kaya ako." sagot ko naman.
"are you starting to like Toni? Kasi nung di ka niya pinapansin hinahanap mo siya tapos everyday mo pa akong tinitext para itanong kung okay lang siya. Selos nako broo!!!" inakap ako ni Josh at inaasar na para akong hahalikan.
"tangina moo! wag ka nga clingy!!! tsaka isa pa I care for her kaya ako ganun." depensa ko sa sarili.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko pa alam kung ano yung tawag sa nararamdaman ko ngayon kay Toni, all I know is that I care for her.
"bro,bat di niyo nalang kasi totohanin yung mga pinost mo sa fb." at inakbayan kami pareho ni Kevin sa parking.
Narinig namen yung mga girls na padating.
"boys, lets go hungry na akooo!" pagaaya ni Max.
"Macario, kanina kapa kain ng kain e." pambbwisit ni Kevin kay Max.
Lumapit ako kay Toni at nagsorry ako.
"hey toni, sorry naasar lang ako dun sa mokong nayun." sabi ko at ngumiti siya.
"its okay, kung makukuha niya number ko so what? sino ba nagsabi na rereplyan ko siya." tawa niya.
I felt relieved sa sagot niya.
"uyyyy!!! relieved na bro?" tukso ni Josh.
At sumakay na kaming lahat sa van para maglunch sandali sa MOA. After ng lunch naglilibot nalang kami bago bumalik sa SMX.
--------—----------—---------------—--------------------------------------------------
Toni's POV
Pagbalik na magsisimula na ang awarding para lahat ng contestants.
Kinakabahan ako dahil eto ang moment of truth, eto na malalaman na kung nagbunga lahat ng pinaghirapan namen ni Josh.
"3rd place......Center of Culinary Arts" sabi nung announcer. "2nd place is....University of St. Augustine and the champion is Enderun College." magkasunod na sinabi ng announcer.
Natuwa kami pareho ni Josh dahil di namin inexpect na 2nd placer pa kami. Well we did our best pero sa dami ba naman ng sumali. Kinongratulate kami nila Ella, Max , Kevin at Lucas. Pero nagulat ako nung niyakap ako ni Lucas at sobrang tuwa niya. After nangyare nun pareho kaming nagulat at yung mga kasama namen tila natigilan dahil sa nangyare.
Habang nagkahiyaan kami bigla naman yung pagdating ni Vincent.
"Hey, paano ba yan? We are the champion and panalo rin ako sa deal." sabi nya at pagkatapos nilabas niya yung phone nya.
Hinawakan ako ni Lucas para pigilan pero sabi ko sakanya na ayos lang dahil tumutupad ako sa usapan.
Kinuha ko yung phone nya at nilagay ko yung number ko at binalik ko yung phone nya atsaka nya hinawakan yung kamay ko.
"well see each other again Toni." umalis na siya at kumindat
"arggh!!! ang yabang talaga ng gago!" hirit ni Kevin.
Kinuha na namen yung trophy namen at nagdecide na umuwi na.
----------------------------------------------------------------------------------------
Toni's POV
Bago pa man kami makauwi may nagtext na sa akin. Si Vincent.
"Hey, Can we meet tonight?
-Vincent"
Nakita ko pa lang yung text nya nabbwisit na rin ako dahil sa kayabangan niya.
Sino ba naman kasi ang nagsabi na rereplyan ko mga texts nya? Bahala siya sa buhay niya.
------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."