Twelve: Ibang Babae

30 3 0
                                    

Toni's POV.

Hinanap ko ng hinanap si Jacob, pero kahit anino niya hindi ko makita. Luhaan akong umuwi ng apartment. At nadatnan ko na andun na si Ella. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magkahalo ang lungkot at saya. Masaya dahil sa wakas nakabalik na si Jacob dito at malugkot dahil kahit ano wala akong koneksyon sakanya at worst kung meron man ay si Lucas yun. Napaupo ako sa sofa at lugmok ang pakiramdam. Kanina pa ako kinakausap pero tulala ako at di sumasagot.

"huyy bessy ano ba? san ka galing anong nangyare sayo?" tanong niya at tumingin ako sakanya.

"bessy, bumalik na si Jacob." sambit ko sa kanya.

"ha? ano? omg! finally bessy! this is it!" at niyakap ako ni ella.

"yun na nga e, sinundan ko siya pero nawala. at guess what sino kasama niya?" balita ko kay ella.

"sino pa edi ang magaling na Lucas! sa lahat pa ng pwedeng nyang ksama e yung mokong na yun pa. Hai bwisit talaga." sabi ko at nakahalukipkip.

"bessy! ano kaba! kausapin mo na si Lucas bukas na bukas din." suhestiyon sakin ni Ella.

"eh bessy diba we are not in good terms? you know everytime na naguusap kami wala kaming ginagawa kundi magbangayan?" sabi ko sakanya at tila nawawalan nako ng pagasa

"yun lang. edi makipagbati kana para happy ending na." singit naman ni Max.

"haiii! hindi ko na alam I need to see Jacob at ayokong manggamit ng ibang tao para lang makuha gusto ko." sabi ko sakanila.

----------------------------------------------------------------------------------
Lucas' POV

Kinabukasan.

Andito ako ngayon sa Kitchen Lab dahil gusto ko ng makakausap at sa ngayon si Josh lang matino at maayos kong mahihingan ng advice. Hindi kasi mawala sa isip ang nangyare kahapon. Kinuwento ko kay Josh ang lahat ng nalaman ko kahapon.

"tangnaaa! bumalik na si andrea? and worst fiance pa niya yung kuya mo? grabe pare!" halatang gulat na gulat si Josh.

Flashback

Si Andrea kasi ang childhood sweetheart ko, lagi ko siyang kasama, siya ang girl bestfriend ko. Sweet siya sa akin, pinilit kong ligawan siya pero ayaw niya bata pa daw kame. Pero nung nakilala niya yung kuya ko na si Jacob nakita ko kung paano siya naattract kay kuya. Pag magkasama kami lagi niyang tinatanong kung kumusta si kuya at kung kelan ko daw siya ipapakilala. Sobrang nasaktan ako dun, yung pakiramdam na akala ko gusto niya ako pero nagiba dahil dumating si kuya. Sobrang sakit, hinayaan ko lang kasi mahal ko hanggang sa isang araw gumraduate na si kuya ng highschool at umalis papuntang New Zealand. Akala ko susuko na siya kay kuya pero hindi pagkatapos ng isang buwan ay sumunod din pala siya sa New Zealand para kumuha ng Law. Ang tindi ng sakit na iniwan niya kaya simula noon kahit sinong babae dinate ko pero lahat wala akong sineryoso siya pa rin ang mahal ko pero pagaari na siya ni kuya.

"anong balak mo?" tanong sakin ni Josh.

"pare di ko alam, gusto ko siyang agawin kay kuya, gusto ko siyang bumalik sa akin. pero masisira kami ni kuya." napafacepalm ako at ginulo ang buhok ko.

"alam mo tol, ganito na lang. maghanap ka na lang ng ibang babae at kalimutan mo na lang si Andrea or magkakasira kayong buong pamilya." hirit nito.

"haiiiistt! ang hiraaaap!" sabi ko naman. "alis nako kelangan ko magisip ng mabuti." at nagpaalam nako kay Josh

"madameng ibang babae pwede baka makasalubong mo pa diyan sa labas." sabi ni Josh.

Saktong palabas ako ng pinto ay nakasalubong ko si Toni. Naisip ko ang sabi ni Josh pero dahil occupied ako diko na lang pinansin. Di rin naman ako pinansin ni toni.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon