Eight: Number

34 2 1
                                    

Kevin's POV

Nagulat ako sa narinig ko mula kay Lucas. Totoo ba na pinuri nya si Toni. Nagpalipat lipat ako ang tingin sa dalawa ay umiwas naman ng tingin si Toni na halata ang pamumula at hiya sa sinabi ni Lucas. Di rin ako makapaniwala dahil miminsan lang pumuri ng babae itong si Lucas.

Kailangan malaman to ni Ella at ni Max tiyak ko kikiligin sila, boto naman kasi itong mga kaibigan ni Ella kay Lucas e.

----------------------------------------------------------------------------------

Lucas' POV

Ako ba talaga ang pumuri dito kay Toni? Di ako makapaniwala. Bakit ganito? Bakit parang kakaiba ang dala nya sa akin pag nakangiti siya at naiinis para bang may nararamdaman ako. Hai di bale na nga. Wala lang to. Grabe ansarap naman nitong luto niya para talangang isang chef na siya kung magfood presentation at magluto. Diko expect na sobrang sarap dahil kami rin may mga pagaaring restaurants kaya alam ko ang lasa ng pagkain kapag high class at magagandang ingredients ang ginagamit. At eto naman katabi ko tila di kumain ng buong araw sa gutom.

"grabe toni, sobrang shhharap! kaya pla di na umuuwi masyado tong si Ella sakanila e dahil ansarap mo magluto." sabi ni Kevin habang puno pa ang bibig.

"teka Sungit para san ba lahat to at andame?" tila nagiba itsura nya ng sabi kong sungit.

"para to sa national food showdown e nirerepresent ko kasi ang school nten." malamig nyan sagot sakin.

Naku mukhang nagiba ata yung mood nya, ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at sungit nasabi ko.

Mukhang kailangan ko nanaman siyang mapaamo.

---------------------------------------------------------------

Toni's POV

Sira ulo talaga tong lalaking to tinawag nanaman akong sungit pasalamat siya mabait ako ngayon at wala ako sa mood patulan siya. Kanina naman pinuri niya akong maganda tas ngayon nangaasar nanaman. Hai bat para atang naapektuhan ako dun. Naku please heart wag siya ha? Isa siyang kasalanan. Eto ang sabi ko sarili ko habang inaayos yung mga recipes ko.

Sakto naman ay ang pagdating ni Josh, si Josh ay isa mga kaibigan ko at siya ang partner ko lahat cooking contest na sinasalihan ng University namen. Nagulat ako nung nagfist bump ang tatlong mga kumag.

"Josh, magkakilala kayong tatlo?" tanong ko.

"Ahh oo mga best buddies tong mga ito noon pa." sagot sakin ni Josh at biglang akbay sa dalawa.
May kakaibang ngisi itong Lucas na parang may binabalak ang mga mata ngunit diko na lang pinansin.

------------------------------------------------------------------------

Lucas' POV

Akalain mo ito palang best friend namen ni Kevin na si Josh ay ang partner pala sa contest nitong Toni. Natuwa naman ako sa nalaman ko dahil kahit saan at gawin ni Toni ay laging ako may mata na nakasunod sakanya at eto na ang simula na masaya at interesting kong buhay dahil kay Toni.

"Josh, san kaba galing bat iniwan mo itong si Toni magisa, baka mapano siya." tanong ko na nakatitig kay Toni at tama nga ang hinala ko dahil umirap siya. Halatang medyo nainis.

"Ah e, kasi may mga girls akong nakasalubong sa labas you know naman pare alam mo naman matitinik tayo sa mga chickas." yabang na sagot nitong si Josh.

"Hep! wag niyo akong isali diyan ha? Isang babae lang ang labs ko si ella!" sagot pa ni Kevin.

Tila si Toni ay parang nakikinig at dinivert ang attensiyon sa ibang bagay at nagsusulat na ngayon. At binigay itong mga papel samin at ballpen.

"pakisagot dahil gusto kong malaman mga comments niyo about sa dishes ko." sabay abot nun at bigla siyang umalis.

"oh napano yun?" tanong ni Josh

"ewan ko." sagot ko naman at may humingi ako ng pabor kay Josh.

"meron ka bang number ni Toni?" napangiti siya na tila nagtatanong

"anong ggawin mo?" tanong nya.

"malamang ittext ko si toni." sagot ko sakanya.

"bakit type mo ba siya?" medyo alala nyang tanong.

"bakit ba alala kayo masyado mga bro kaya ko to ginagawa kasi I want to challenge myself for a change dahil siya lang ang girl na sobrang kung magtaray saken." sabi ko.

"Kilala ko si toni she won't fall for it." sagot nya at sabay kuha ng phone nya.

"okaaay lets see, bakit todo nagalala sa kanya? Gusto mo ba siya?" tanong ko kay Josh

"hindi, kaibigan ko si toni bro kaya ganito ako di siya tipong niloloko." sabi nya sa akin. "at dahil gusto kitang mapahiya sge ibibigay ko number nya sayo." tawa nya na sigurado siyang di ako papasa kay Toni.

"gago never pako napahiya." sabi ko.

"let's see." sabi ni josh.

pagkakuha ko ng number niya ay umalis nako na di man lumilingon sa dalawa at iniwan ko na din ang papel na bigay ni Toni.
---------------------------------------------------------------------------

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon