Toni's POV
Iniwan ko si Lucas sa condo niya hindi dahil galit ako sakanya. Gusto ko siyang magisip ng mabuti para malaman niya kung ano ang dapat gawin. Pagkauwi ko tinatawagan niya yung cellphone ko pero di ko parin sinasagot. Pinuntahan ako ni Ella at Max sa kwarto, napansin pala nila kanina na dumating ako.
"Bessy nagtext si Lucas, tinatawagan ka niya di kaw daw sumasagot." sabi sakin Ella
"Ayoko muna siyang kausap." sagot ko kay Ella.
"Ano to LQ agad kayo ni Papa Luke?" hirit ni Max para mapatawa ako.
"Eh hindi naman kami talaga e." paliwanag ko sa dalawa. At kinwento ko ang nangyare.
"So he knows you were inlove with his brother? And siya naman inlove sa fiance ng kuya niya." at same story pa.
"oo pero yun nga ayaw ko tulungan kasi selfishness ang alam niya. if he is man enough bakit hindi na lang nya hyaan yung dalawa na maging masaya." dagdag ko.
"korek! eto si Papa Lucas iba pala kung mainlove! Intense!!!!" biro ni Max.
"Eh anong balak mo ngayon?" tanong ni Ella
"ah, basta hahayaan ko na muna siya magisip. ayoko ng magkaroon pa siya ng reason para ituloy yung balak niya." sabi ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lucas' POV
Ilang araw na simula nung magkasakit ako, ilang araw ko na din inaatempt na tawagan or kausapin si Toni pero iniiwasan niya ako. Ayaw umamin ng mga kaibigan niya at mga kaibigan ko pero halata naman sobra. I badly want to talk to her. Siya lang nakakaintindi saken. Ayoko man aminin sa sarili ko but I damn miss her. Kahit lagi niya akong sinusungitan, kahit sobrang naggy niya. Kahit na madalas kami magaway at di magkasundo. Kahit minsan bitch mode siya saken. I badly need to talk to her. I will keep trying hanggang maging okay kami. And I will promise her na hindi na ako gagawa ng kahit ano kay kuya and kay andrea.
Naglalakad ako sa parking lot para umuwi na dahil sobrang frustrated ko pero napatingin ako sa field at meron akong nakitang babae na nakaupo. Pamilyar na pamilyar ang babaeng yun saken. Si Toni, agad akong lumapit sakanya. Napansin ko na tahimik siya at malalim ang iniisip.
"Ano ba naman yan kaya pala hindi ako nakakatulog sabi e sa sobrang kakamiss mo sa akin." biro ko sakanya sabay upo sa tabi niya.
"Mukhang wala ka ng sakit kasi saksakan ka na ng yabang!" sagot niya saken at ngumiti siya sa akin.
Bigla siyang tumahimik at sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin.
"im sorry!" sabi ko sakanya at napatingin siya sa akin.
"sorry for what?" tanong nya habang nakangiti.
"sorry if natalsikan kita ng putik, sorry if inaasar kita madalas, sorry if im dragging you into a mess." sabi ko skanya ng mabilisan.
ngumit siya. eto ang unang beses na ngumiti siya na alam ko ako ang dahilan.
"ambilis naman nun!" sabi niya saken. "ulitin mo ngaa!" asar nya saken.
"narinig mo na e, napasmile ka na kaya." hirit ko.
"sge naa!!! oo na apology accepted!" saka nya ako kinurot sa parehong pisngi
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
RomanceMaiinlove ka ba sa taong sobrang ayaw mo at kinabbwistan mo? O tama nga ba ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."